Home Opinion ‘Happy 12th Anniversary to Punto Central Luzon News!’

‘Happy 12th Anniversary to Punto Central Luzon News!’

777
0
SHARE

PARANG kailan lang nang ako’y magsimulang
sa PUNTO magsulat, kung saan din naman
si Ed ‘Quesio Quetal’ Aguilar, kabilang
sa manunulat nitong dyariong naturan.

At si Aguilar din ang bale nagyaya
sa akin upang sa PUNTO mag-kolumn nga,
na sinang-ayunan at aprub karaka
kay Bong Z. Lacson ang naturang anyaya.

Nagkataon namang itong Pampanga News
na pag-aari nina Levy P. Laus,
nagsara kung kaya naging ‘very smooth’
ang paglipat kong walang kaabug-abog.

Kay bilis talaga ng takbo ng lahat
ng bagay sa mundo, gaya r’yan ng oras;
Kadalasan, sa di pansin, lumilipas
ang maghapon sa buhay mamamahayag

Animo ay mga tatlong taon pa lang
ang nakalipas na panahong nagdaan,
Kapagka abala sa anumang bagay
ang di mainipin sa takbo ng buhay.

Lalo’t sa kagaya nga ng manunulat
na laging computer ang kanyang kaharap,
At parating tutok yan sa pagsusulat
anhin na lang nila’y pigilin ang oras

Partikular kapag may inihahabol
na balita’t mahalagang impormasyon,
Kaya ang pagdaan minsan ng panahon
ay di na n’yan mapansin ang umaga’t hapon.

Kamalam-malam ay ang inaakalang
isang linggo pa lang ang nakararaan,
Ilang buwan na pala ang matuling nagdaan;
(at ilang linggo pa ay Bonus na naman?!)

Gaya na lang nitong animo’y kahapon
nga lang binuksan ang Punto sa ‘3rd Region,
Pero iyan pala ay ’12 years’ na ngayon
sa balanseng pagbabalita’t opinyon.

Kung saan di ko na matandaan halos
ang petsa kung kailan ang aba n’yong lingkod,
nagsimula ‘as one of its contributors’
bago magsara ang dating Pampanga News.

(Na kung saan ay magkakasama kami
nina Ram Mercado, Jojo at Ka Tony,
Abel Madlambayan at itong si Macky,
hanggang sa isara ng bagong may-ari).

At dito sa Punto inalok magsulat
ng mga batikan sa pamamahayag,
Na kagaya ni Bong at iba pang tanyag
na kabaro nating mga manunulat.

Pero ako, bilang ‘literary writer,’
bagama’t ‘usually opinion in manner’
Kakaiba, ‘compared with others as it’s in rhyme;
and likewise is metered, as poems are written.

At ang ‘once a week’ na paglabas sa Punto
ng kahit anumang aking artikulo,
Yan sa Capampangan isinulat ko,
base sa ordinansa ng Kapitolyo

At kay ‘yours truly’ nga bale nakatoka
alinsunod sa nasabing ordinansa,
Na pina-iiral dito sa Pampanga
ng ‘Provincial Language Council’ sa iba pa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here