Home Opinion Huwag nang pabalikin lahat

Huwag nang pabalikin lahat

745
0
SHARE

SIMPLENG bagay lang ay di masolusyonan
nang ayon sa tamang mga panuntunan
nitong ating mga butihing opisyal
sa ‘BuCor’ ang hinggil sa iba’t-ibang bagay

Na marapat sundin sa pagganap nila
ng tungkuling lubhang napakahalaga,
na di dapat mapabayaan kumbaga
pagkat di mainam ang magiging bunga.

Gaya na lang nitong sa di maliwanag
na pagkaunawa halos nitong lahat
ng mga opisyal sa ‘BuCor’ pumalpak
ang sa ibang preso n’yan pagpapalabas.

Akalain mo bang pati di kasama
sa maraming presong kualipikado na
para makalabas, ya’y mapabilang pa
sa hindi dapat na palayin nila?

Na katulad nitong ‘inmates’ na ‘heinous crime’
ang naging kaso at ang hatol ‘life sentence,’
‘yan ang di pa dapat nilang palayin,
kaya nga’t ang utos ay pamuling dakpin;

Sa akala kaya n’yan tatalima
itong mga halang na ang kaluluwa
sa ‘Order’ ni Digong na bumalik sila,,
gayong sa impyerno ay nakalaya na?

At itong marapat at sadyang nagbago
nang tuluyan dahil tumalab ng husto
sa puso at isip ang sa karsel nito
dinanas, papano na sa puntong ito?

Gaya r’yan ng iba, na may trabaho na,
at kaya nakulong nagnakaw lang sila;
iyan ay di na dapat pamuling dakpin pa
para ikulong muli na tulad ng iba.

Di ba’t may listhan naman itong ‘BuCor’
kung sinu-sino ang mga nakakulong,
na may ‘complete records’ at kung ano’ng kasong
kinasangkutan at kung ano ang hatol?

Isa-isahin ang kanilang pangalan,
sa ‘master lists’ nila’t tiyak malalaman
kung si Pedro at/o halimbawa si Juan,
nagkasala lang ng ‘pagsipol’ kay Barang.

Hayaan na sila, at itong salarin
sa ‘rape with murder’ ang marapat tugisin
at ikulong kung kaya n’yong pabalikin
upang ang sentensya nila ay tapusin.

Ang pag-uutos na pabalikin lahat
sa Munti ang preso nilang pinalabas,
base sa ‘directives’ ng nakatataas
nating pinuno ay tila di marapat

At maituturing na ‘yan ay ‘drastic move’
laban sa ‘human rights’ nitong lahat halos
ng mga ‘inmates’ na ngayon tinatakot,
na‘shoot-to- kill’ kung di sumunod sa utos.

Nakatitiyak ba itong may utos n’yan
na ang lahat nila ay nababalitaan
ang mga pahayag ni Boss at ng kanyang
‘Spokesperson’ sa Tri-Media, kadalasan?

Para menos pagod, oras at panahon
ay itong habambuhay na pagkakulong
ang atasan nilang sa ‘Bureau of Prison’
sumuko, at huwag na ang kaso ay ‘minor’.

Upang makatipid din ang pamahalaan
para sa pagkain at saka ‘maintenance’
ng mga iyan, kahit pa man kadalasan
kulang ang kanin at kapos din sa ulam!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here