Home Opinion ‘Truth shall set us free’

‘Truth shall set us free’

827
0
SHARE

‘PRESIDENTIAL legal counsel, spokesperson
Salvador Panelo’ ng ating Pangulong
Rodrigo Duterte, todo tanggi nitong
itinatwa na siya’y may ginawang pabor
para kay Antonio Sanchez na ex-Mayor
ng Calauan upang sa ‘Bureau of Prison,’

Yan ay mapabilang sa mga nabigyan
ng‘parole’ ni Faeldon sa pamamagitan
nitong GCTA at ng pagsulat n’yan
sa ‘Board of Pardons and Parole,’ na kung saan
ay si Mrs. Sanchez mismo yata ang siyang
sa ‘BuCor’ personal na nagsumite riyan,

‘Requesting for an executive clemency
For his dear ex-client is out of normalcy,
As he is no longer a private Attorney
That can attend to the needs of everybody
But a spokesperson for Mr. Duterte,
And for which he should do his official duty.

(Aywan nga lang natin kung pinapayagan
ng gobyerno ang mga ‘public official,’
na makisawsaw sa isyung katulad n’yan,
lalo’t ang bagay na gustong pakialaman
ay kaso ng isang ‘convicted criminal,’
na tulad ni Sanchez ang pag-uusapan).

Di kaya itong si Attorney Panelo
ay naambunan din sa bigayan dito,
kung saan 50k yata ang ultimo
para sa dukha, at sa mayamang preso
ay milyones kaya iwas pusoy ito?
At kunwari’y walang alam tungkol dito!

At kaya marahil ang Rappler, Inquirer.
net. at iba pa, gaya ng ‘reporters,’
pinagbantaan niyang sampahan ng ‘charges,
In respond to what was published on newspapers,
Aired on radios as well as that had televised;
That cyber libel should be decriminalized?

Sobrang nipis naman din yata ang balat
ni Panelo kaya madaling tumalab
ang kahit pasimpleng mga patalastas,
na kagaya nga r’yan ng isiniwalat
ng mga kapatid na mamamahayag,
ipinagpanting ng tainga n’yan kaagad?

Ang mga tulad ni Attorney Panelo
ay marapat lamang na tanggapin nito,
na sa usaping ‘yan kahit papaano
may maiambag na mailayo tayo
sa pagyurak sa’ting banal na prinsipyo
nitong mga ‘convicts’ na salot sa mundo.

At maharang itong maagang paglabas
sanhi lang nitong ‘good conduct time allowance’
na inabuso riyan ng ilang hayupak
na taga ‘BuCor’ na kumita ng limpak
sa kaparaanang di karapat-dapat
at posibleng atin ding ikapahamak.

Partikular nitong mga kapamilya
ng inabuso at pinatay din nila,
pagkat di malayong maghiganti sila
ayon sa magulang ng naging biktima
nitong mga taong halang ang kaluluwa,
na ang dinidiyos ay sariling pita.

Kaya nga’t kung dangal ni Panelo ang siyang
ninanais nitong mapangalagaan,
tigilan na n’yan ang walang katuturang
mga pagbabantang di niya ikarangal;
Ang Media kailanman ay di mabusalan
sa pamamahayag ng katotohanan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here