Home Headlines Bentahan ng darak higit na mataas kaysa palay

Bentahan ng darak higit na mataas kaysa palay

2813
0
SHARE

(Photo grabbed from web)

LUNGSOD NG MALOLOS — Dahil kakaunti ang nagpapagiling ng palay ngayon, bumaba din ang produksyon ng darak dahilan para tumaas ang presyo nito kada kilo.

Ang kalakaran ng presyo ng ng darak ay nasa P13 hanggang P14 kada kilo, kumpara sa presyo ng palay na P7 hanggang P8 lamang.

Si Nestor Aduna, mamimili ng darak para ipakain sa mga alagang tilapia, ay nagpakita ng resibo ng nabiling darak na nagkakahalaga ng P14 kada kilo.

Ayon naman kay Glenda Concepcion, isang miller sa Intercity sa San Juan Balagtas, Bulacan, ang benta nila ng darak ay nasa P13.50 kada kilo.

Lumalabas na mas mahal pa ang presyo ng darak kaysa palay samantalang sa palay din nanggaling ang darak. Marami kasi ang naghahanap ng darak ngunit wala silang maabili. Dahil dito ang ilang mga ahente ng palay ay kinokontrata na ng mga miller na bibigyan ng mataas na presyo para makuha lamang ang darak.

Maraming nangangailangan ng darak sa ngayon para ipakain naman sa mga alagang baboy ngunit walang nagpapagiling ng palay o walang dating na palay kayat kapos ang supply nito dahilan para tumaas ang presyo.

Paliwanag pa ni Concepcion, sa ngayon na bihira silang makabili ng palay ay madalang din silang makagiling ng palay kayat madalang din ang kanilang darak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here