Home Opinion ‘GCTA is for Sale at BuCor’

‘GCTA is for Sale at BuCor’

1013
0
SHARE

BUKING NA at lahat itong si Faeldon
sa isyu hinggil kay ex-Tanauan mayor
Sanchez ay patuloy ang pagtanggi nitong
hindi ang opis niya ‘as BuCor Director,’

Ang sa ‘order of release’ ng taong ito
kabilang ang mahigit isang libong preso
na nabigyang ‘parole’ sa bisa umano
nitong GCTA, lumikha ng gulo.

Sa kadahilanang pati di marapat
mabigyang ‘parole’ at di kasama dapat
sa puede na riyang sa Munti lumabas,
nakalaya tuloy nang wala sa oras!

Todo tanggi pa mandin itong damuho
na hindi siya ang may gawa umano
ng ‘order of release’ nitong si Antonio,
pero bandang huli sa Senate, natiklo;

Nang siya’y igisa sa Senate ng husto
ni Drilon at Gordon, at kay Faeldon mismo
ipakita ang ‘order of release’ nito
partikular itong para kay Antonio,

Di na makapalag ang BuCor director,
kaya maaaring kay Pangulong Digong
kahit wala siya sa oras na iyon
ay napagtanto niyang mali si Nicanor.

At nang dahil diyan ang ating Pangulo
ay ginawa na nga niyang sipain ito;
At di na niya muling bibigyan siguro
sa pamahalaan ng anumang puesto.

Pero kung tayo ang siyang tatanungin,
makabubuting huwag na munang tanggalin;
kundi bagkus siya ang itoka pa rin
sa pinalaya niya para pabalikin.

At ang bawat isa na di niya magawang
pabalikin, dakpin sa kaparaanang
legal, ‘by force’ o anumang bagay,
siya ang marapat ikulong kabayan.

Kapalit ng kanyang posibleng kinita
sa ‘good conduct time allowance’ na pinera
o ipinagbili sa mga makuwarta
riyang mga ‘inmates’ para lumaya na.

Mantakin mu namang pati na ang grabeng
kaso na kagaya riyan ng ‘heinous crime’
nangabigyan ng ‘good conduct time allowance’
gayong di kasama ‘yan sa patakaran?

Pasalamat nga ‘yang tulad nina Sanchez
at iba pang mga talamak na ‘rapist,’
ang parusang bitay noon in-‘abolished’
kundi ang lahat na matagal ng ‘finished’.

Sa isyung ito kung saan paksa
natin ay ang hinggil sa mga walanghiya
at sobra kakapal ang kanilang mukha,
na taga gobyerno dapat nang mawala.

Kaya bago pa man lumala siguro
ang problema hinggil sa katulad nito,
mas makabubuting pati si Panelo
ay tanggalin na rin ng ating Pangulo

Pagkat di malayong may kinalaman din
ang kanyang ‘spokesman’ dyan sa pangyayaring
itong si Sanchez ay dapat palayin
gayong ang kaso nga nito ay ‘heinous crime’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here