Home Headlines Pagbili ng NFA ng 5.7-M bags ng palay kinontra

Pagbili ng NFA ng 5.7-M bags ng palay kinontra

773
0
SHARE

SAN MIGUEL, Bulacan — Kinontra ng mga magsasaka sa Bulacan ang ulat ng National Food Authority (NFA) sa pagbili nito ng 5,774,389 bags o katumbas na 109 percent accomplishment sa target nito na 5,303,999 bags para sa buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ayon kay Simeon Sioson, chairman ng Federation of Central Luzon Farmers Cooperative, mababa ang bilang ng palay na binili ng NFA at ito ay 1.5 percent lang ng kabuuang bilang ng palay na 19 million metric tons kada taon.

Tanong ni Sioson na kung bumili ang NFA ng 1.5 percent na palay ay anong tulong naman ang ibibigay ng NFA sa natitirang 98.5 percent ng mga palay sa bansa na hindi nito binili.

Kaya’t mungkahi ni Sioson sa gobyerno na bumili ng palay sa magsasaka ng pinakamababang 30 percent o katumbas ng 116 million bags dahil kapag malaking porsiyento ng lokal na palay ang binili ng NFA ay liliit ang bilang na maiiwanan sa private sector at hindi maiiwanan ang presyo ng bilihan ng mga palay pabor sa mga magsasaka.

Ipinaliwanag pa ni Sioson na magmula nang ipinatupad ang Rice Tariffi cation Law ay bumagsak na ang presyo ng lokal na palay dahil hindi na binibili ng rice traders at sa halip ay ang mga imported rice na ang binibili ng mga ito.

Sa ngayon, ang bentahan ng palay sa farm gate ay P15 hanggang P180 kada kilo kumpara sa P23 hanggang P25 kada kilo noong wala pa ang Rice Tariffi cation Law. Lugi ang mga magsasaka ng P7 hanggang P8 kada kilo ng palay dahil dito.

Dati ay sa mga traders sila nagbebenta ng palay ng halagang P23 hanggang P25 kada kilo ng palay ngunit ngayon ay wala nang traders na gustong bumili ng ganoong halaga. Kung bibili man ang traders sa mga magsasaka ay naglalaro lamang ito sa halagang P15 hanggang P17 kada kilo.

Mas pinipili na daw kasi ngayon ng mga miller na ibenta sa merkado ay ang mga imported na bigas kayat mababa na ang halaga ng presyo ng palay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here