Home Headlines Dengue cases sa Bulacan higit 3,000 na, 8 patay

Dengue cases sa Bulacan higit 3,000 na, 8 patay

476
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga nabiktima ng dengue sa lalawigan, at walo na ang naitalang namatay dito.

Ayon sa Provincial Health Office, mula Enero hanggang Hulyo 27, 2019 ay 3,163 na ang naitalang biktima ng dengue sa buong lalawigan at walo dito ang namatay.

Ayon kay Gloria R. Ylan, health education & promotion offi cer IV ng PHO, ang naitalang kaso ng dengue na mahigit tatlong libo ay mababa pa ng walong porsiyento kung ikukumpara ng pareho ding petsa ng nakarang taon.

Sa ngayon ay may 69 barangay sa Bulacan ang kinonsidera na may clustering of cases at hot spot na patuloy na tinitingnan at sinusubaybayan kung patuloy na nagkakaroon ng kaso ng dengue.

Mahigpit nilang binabantayan ang mga naitatalang kaso sa mga lugar na nasa hot spot sa nakalipas na apat na linggo kung patuloy na tataas o bababa ang nabibiktima ng dengue.

Nagpalabas na ng kalatas ang Kapitolyo na ipinamamahagi sa lahat ng barangay para sa information drive laban sa dengue.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here