Home Headlines Water level sa Bustos Dam bahagyang napaangat ng ulan Tubig sa Angat...

Water level sa Bustos Dam bahagyang napaangat ng ulan
Tubig sa Angat Dam patuloy sa pagbaba

645
0
SHARE

BUSTOS, Bulacan — Bahagyang tumaas ang water level sa Bustos Dam dahil sa pagulan na dala ng bagyong Falcon.

Ayon kay Felix Robles, officer-in-charge ng water control operating unit ng Bustos Dam, tumaas ng 0.19 meters ang water level, mula sa 15.36 meters nitong Miyerkules at 15.55 meters nitong Huwebes.

Malaking tulong daw ito sa supply ng irigasyon sa kabukiran ng Bulacan at Pampanga na nagsimula na ang distribution mula nitong ika-16 ng Hulyo.

Dahil sa ulan ay ibinaba muna ng National irrigation Administration sa kabuuang 12 cubic meter per second ang supply ng irigasyon sa halip na sa target na supply na 22 cubic meter per second.

Nagagamit pa daw kasi ng mga magsasaka ang mga naipong tubig sa mga bukid dahil sa ulan kayat nagbaba muna sila ng supply ng irigasyon upang mapataas pa ang reserbang tubig magamit ang matitipid na tubig sa mga susunod na araw.

Samantala, sa halip na tumaas dahil sa pag-ulan ay patuloy pa sa pagbaba ang level ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa talaan ng Bulacan PDRRMO, ang water level sa Angat dam nitong July 15 ay 158.71 meters at nitong July 18 ay nasa 158.27 meters.

Ayon kay Robles, hindi kasi tumama ang ulan sa bahagi ng Angat watershed area para sana makatulong na mapataas ang reserbang tubig nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here