Home Headlines Derma clinic ninakawan Suspek arestado

Derma clinic ninakawan
Suspek arestado

827
0
SHARE

CASTILLEJOS, Zambales – Huli ang isang magnanakaw sa isinagawang follow-up operation ng Zambales police matapos na pagnakawan nito at limasin ang lahat ng kagamitan ng isang derma clinic sa Barangay San Agustin sa bayang ito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, dakong 8:14 ng umaga nang matuklasan ng assistant ng LYL Skin Treats Aesthetic Center na nawawala ang halos lahat ng mga kagamitan sa naturang klinika matapos tumambad sa kanya ang nagkalat na dokumento, bukas na mga kabinet at bintanang pinaniwalaang pwersahang binuksan, kung kaya’t agad itong tumawag sa may-ari na si Cheryl Dayupay.

Sinabi ni Police Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director na sa pamamagitan ng malawakang follow- up operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Investigation Branch (PIB), Castillejos at Subic PNP at mga nakalap na video footage mula sa mga CCTV ng kalapit na establishment ay natukoy at nasakote ang suspek na kinilalang si King Henrick Bernal y Robles, 22, sa kanyang tirahan sa Purok 4, Barangay Manggahan Resettlement, Subic, Zambales.

Narekober mula sa bahay ng suspek ang mga ninakaw na kagamitan ng clinic gaya ng isang 32” Sharp Led TV; CCTV DVR at AOC monitor; isang asul na Acer laptop, charger, mouse, at A4tech keyboard; tripolar pose(radio frequency) machine; derma pen set; facetite machine, diamond peel machine, blue light machine, at red light machine; bluetooth speaker; dalawang laser tips, at dalawang vacuum tips; AVR; blue-yellowgreen bag at gray Acer bag. Ang lahat ng nanakaw ay tinatayang umaabot sa halagang P234,000.

Ang suspek ay nakakulong sa Castillejos PNP at sasampahan na ng kasong robbery sa tanggapang ng Provincial Prosecutor sa lungsod ng Olongapo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here