Home Opinion ‘The grandest mass oath taking the city ever held’

‘The grandest mass oath taking the city ever held’

667
0
SHARE

ENGRANDE ang ‘mass oath taking ceremony’
ng mga dati at bagong halal pati
na manunungkulan sa susunod na ‘three
years’ dito sa ating San Fernando city;

Na pamumunuan nitong dati pa ring
‘city mayor’ na si EdSa kung tawagin
at ni ‘city vice mayor Jimmy Lazatin,
kasama pati na ‘city councilors’ din.

Magarbo at puno ng sigla ang ‘event’
na ginanap mismo sa ‘city government’s
Heroes Hall,’ and that some of those who attended
The affair were guests, friends and city constituents

Together with the all the barangay officials
And others who witnessed the grand ceremonial
Mass oath taking event administered by one
Of the province honored men in our judicial.

Ang ‘event’ kumpleto kumbaga sa armas
at di naging ‘boring’ ang mahabang oras
na itinagal n’yan ‘since enjoy’ ang lahat
ng nagsidalo sa okasyong ginanap.

Kumpleo rikado na maituturing,
may ‘brass band’ na puro magandang tugtugin
ang sunod-sunod na pinarinig sa ‘ting
mga nagsidalo r’yan sa ‘mass oath taking’.

Lahat inspirado at bakas sa mukha
ng lahat na nitong mga pinanumpa
sa araw na iyon, taglay ang dakila
nilang layunin na magsilbi ng kusa.

At magampanan ng buong katapatan
ang gampanin nilang hiningi sa bayan,
ng buong puso at ng may kagalakan
para sa kanilang mga kababayan.

Gaya ng ginawa nina Mayor EDSA,
VM Lazatin at ang kagaya nina
councilors BJ at itong katulad pa
ni Lingat, Dein at ni Harvey Qiwa.

Ang ‘closing remarks’ ni Mayor Ed Santiago,
na kilala sa lungsod ng Sa Fernando
sa taguring EDSA, tapat na serbisyo
ang kanyang alay sa mga Fernandino.

Na di nalalayo sa kanyang sinundang
si Oca Rodriguez, na naging Congressman
bago naging ‘city mayor’ ng naturang
lungsod na kapwa nila pinaglingkuran

Nang tig-tatlong ‘term’ na ‘3 years’ bawat upo,
kaya kwenta ‘9 years’ na di magkalayo
ang bilang ng ‘years’ na posibleng mabuo
n’yan sa lungsod na patuloy ang paglago.

‘Keep up with the good works that you had started
For the city you now sharing your very best
You can do, to make it more progressive, yet
A few does not even trying to cooperate.

Ipagpatuloy ang magandang serbisyo
para sa lahat ng taga San Fernando
at iba pang matapat na serbisyo
ang handang ialay sa kalungsod mismo.

At magagawa lang ng walang sagabal
sa pamamagitan ng pagtutulungan
nitong dati at ng mga bagong halal,
nang ‘no self interest’ ng kahit sino r’yan!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here