Home Headlines SM mall, iba pa nakiisa sa National Flag Day

SM mall, iba pa nakiisa sa National Flag Day

970
0
SHARE

(Nagbibigay ng mensahe si SM City Cabanatuan manager Joanne Z. Bondoc kaugnay ng pakikiisa sa Flag Day.)

LUNGSOD NG CABANATUAN – Sa magkakahiwalay na lugar, sabay sabay na nagtaas ng watawat at umawit ng Lupang Hinirang ang mga opisyales at kawani ng iba’t ibang tanggapan sa Nueva Ecija bilang pakikiisa sa komemorasyon ng National Flag Day nitong Martes.

Sa harapan ng SM City Cabanatuan ay magkasamang nagsagawa ng programa para sa National Flag Day (Stop and Salute) ang mga opisyales at kawani ng naturang mall at ng Bureau of Fire Protection (BFP) Nueva Ecija.

Pinangunahan nina Col. Roberto Miranda bilang provincial fire marshal ang mga bomber, at mall manager Joanne Bondoc ang simple ngunit makabuluhang programa.

Sa Fort Magsaysay, sa harap ng general headquarters kung saan naroroon ang bantayog ni dating Pangulong Ramon Magsaysay nag-formation ang mga opisyales at sundalo ng 7th Infantry Division upang awitin ang Lupang Hinirang kasabay ng pagtataas at pagsaludo sa pambansang watawat.

Nagsipagpatugtog naman ng Pambansang Awit ang mga himpilan ng radyo na DZXO-AM at DWWG-FM sa Cabanatuan City ganap na ikawalo ng umaga bilang pakikiisa Stop and Salute activity, kaisa ang Kapisanan ng mga Boadcaster ng Pilipinas.

Nauna rito, ang grupong Kasangga sa Kalikasan at Novo Ecijano Mountaineers ay nagtindig ng watawat sa pinakatuktok ng pamosong Mt. 387 sa Puncan, Carranglan.

Ang lahat ng ito ay alinsunod sa komemorasyon ng National Flag Day na nagsimula ngayong Mattes at tatagal hanggang sa nika-12 ng Hunyo, ang Araw ng Kasarinlan.

Ang lalawigan ng Nueva Ecija ay isa sa walong lalawigan na naunang maghimagsik laban sa mga Kastila kaya ito’y kinakatawan ng isa sa mga sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here