Home Opinion Sana, may maasahan na tayong pagbabago

Sana, may maasahan na tayong pagbabago

697
0
SHARE

MATAPOS ang tila walang kapagurang
pangangampanya na pinagkagastusan
ng di lang mil de mil itong isinugal
ng mga nagnasang makapanungkulan

Gayon din ang dati nang nakaposisyon
na haya’t pamuling mga nagsi-habol,
yan tulad nang una ay di lamang miyon
ang sinunog nitong nagdaang eleksyon.

Sa puntong yan tayo di nakatitiyak
na di uunahing mabawi ang lahat
sa kaban ng bayan ang kuwartang nilaspag
nitong napabilang sa mga pinalad

Na maupo, at kung saan bago nila
harapin ang dapat gawin sa tuwina
bilang ‘public servant’ ay baka hindi na
natin makapa ang iba sa kanila.

Salamat, kung itong mga bagong halal
ay maging matapat sa tungkuling tangan;
at di matulad sa ibang tuwing halalan
lang ubod ng sipag at kita ng tanan.

Gaya na lang nitong mga tumanda na
sa gobyerno bilang mga senador ba?
Anong di maiwan nitong dating bida
sa Batasan kundi ang malaking kita?

Na dumalo’t hindi sa kanilang sesyon
ang kagalang-galang nating mga Solon,
bukod sa ‘pork barrel’ nila, sila’y mayrung
‘monthly salary’ sa hawak na posisyon.

Aywan lang at nasisikmura ng iba
ang ibulsa pati ang para sa masa,
gayong sila nga ay may mga sahod na
at ‘kick back,’ din naman sa proyekto nila.

Sana, ngayong higit na nakararami
ang mga nanalong manok ni Duterte,
mga plataporma na ni Presidente
at mangibabaw at masunod parati

Dahilan na rin sa ano pa mang ganda
ng pamalakad na ninais niya
na maipairal ito’y kinokontra
ng mga dilawan at nitong iba pa.

Kung saan ang taong-bayan itong talo
kapag hindi makakilos si Pangulo
nang naaayon sa ikabuti mismo
ng gobyerno at ng mga Pilipino.

Sanhi na rin nitong kapagka ang kanya
na klase ng pamalakad ang kumbaga
ang nasunod, di na sila makaporma
at mawalan na rin pati ng pag-asa

Na mapanatili ang klaseng gobyernong
gustong-gusto nila, na kung saan bilyon
ang puedeng ibulsa ng sinumang Solon
sa loob lamang ng maikling panahon!

Ikaw man bang ito, na kumikita r’yan
ng malaki sa iyong posisyong tangan,
hahangarin mo bang ika’y mapagsarhan
ng tulo ng gripong kakaiba ang bigay?

Kung saan ang lahat na r’yan ng dilhensya
mula sa iligal, at ibang uri pa
ng pagkakitaan lubos nang mabura
kapag nasunod ang wasto na gusto niya?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here