Home Opinion Lahat na may solusyon

Lahat na may solusyon

955
0
SHARE

KUNG di pa magawa ng ating Pangulo
na malansag itong kalakarang ‘Endo,’
na ipinangakong bubuwagin nito,
kapagka siya ang pinalad manalo

Marahil hanggang sa tuluyang bumaba
siya sa Palasyo ay di maisagawa
ang taas noo niyang sinabi sa madla
na ito ay kanyang ibasura na nga.

Subalit napako pati ang iba pa
na aniya ay unang buburahin niya
oras na maupo, pero nagawa ba
sa loob ng halos ay tatlong taon na?

Hindi! Dala nitong sa bawal na gamot
at ibang iligal na bagay umikot
ang tinutukan niya mula nang maluklok,
kaya siya marahil medyo nakalimot.

Kaya bunga nitong pangyayaring iyan,
ang ‘endo’ at saka ibang makailangang
maresolba ay di kaagad nabigyan
ng matamang pansin nitong nakaraan.

Matatandaang ang barangay election,
ay napabalitang hindi matutuloy,
at ‘by appointment’ na lang ang iuupong
Chairman at iba pang opisyal sa nayon.

Kung saan may mga tao nang kinalap
sa bawat barangay nitong Pilipinas,
na itatalagang barangay offi cials,
bilang kapalit ng mga masisibak.

Pero di nangyari at na-postpone lamang
ang ‘May election’ at ito ay ginawang
Oktubre, at itong sabi’y isasalang
(sa puesto,) bigo sa tagal na inasam.

ITONG nakatakdang eleksyon sa Lunes,
(May 13) and of which is scheduled next week,
sa ibang tao r’yan lang natin narinig
na ‘NoEl’ ang sabi’y muling iguguhit

At/o naka-ambang i-declare daw yata
ni Pangulong Digong, pagkat siya’y nagsawa
na sa batikos ng kampo ng kabila,
na wala rin namang mabuting nagawa

At ibang klase na ng pamahalaan
o ‘form of government’ ang isulong upang
maipairal na nitong Malakanyang
ang naaayon sa kalakarang legal.

Pagkat ano pa mang mga mabubuting
pagkilos upang ang ginto niyang hangarin
para sa bayan ay walang mararating,
kung walang kaisa ang kanyang naisin.

At walang sinumang makipagtulungan
upang ang legal at tamang panuntunan
ay maisagawa niya ng buong gaan
anumang oras na ito ay kailangan.

Tayo man ang siyang ilagay marahil
ng taongbayan sa ganitong tungkulin,
ano pa kundi ang kontra sa mabuting
pamalakad niya ay kanyang sipain?

Sa pamamagitan nitong ibang porma
ng gobyernong ninais ipalit niya,
na maka-Diyos, maka-tao at iisa
ang layunin nito para sa lahat na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here