Home Opinion Kahi’t wala nang palitan

Kahi’t wala nang palitan

836
0
SHARE

ITONG nasungkit na panibagong ‘award’
ni ‘Nanay’ mula sa DILG’y sapat
nang patotoo ang sa ‘test of good governance’
pasado siya’t napanatiling ‘top spot’
ang pag-implementa niya ng ‘Bottom-Up-
Budgeting,’ na ngayon ATM ang tawag

Dito sa ‘Assistance to Municipalities’
at ibang ‘locally funded’ pa r’yang ‘projects’
na nilalayong ‘during her terms of office
as sitting Governor of Pampanga province’
ay maipagawa niya ang ninanais
na matapos bago tuluyang um-’exit’

‘Comes June 2019’ sakali’t ang plano
na NoEl ni Digong di magkatotoo,
at ang ‘by appointment’ na pagpili nito
sa ipapalit ang mananaig husto;
d’yan di malayong si ‘Nanay’ siguro
ang siyang iuupo muli ni Pangulo.

Dala nitong ‘multi-awarded’ si ‘Nanay’
at talaga namang ang serbisyong bigay
ng ating butihing Punong Lalawigan
sa mga Kabalen ay likas at tunay;
at ang pagtingin sa lahat pantay-pantay,
mapa-mahirap at may-kaya sa buhay.

At lahat ng bagay na ikaluluwag
ng nasasakupan kanyang sinisikap
maipagkaloob sa lahat ng oras
sukdang ang sariling bulsa ang mabutas;
lalo pa’t sa ‘ting mga kapos-palad
na nasa malayong mga komunidad.

Gaya halimbawa ng mga kapatid
nating Aeta r’yan na nagkakasakit,
sila’y nabibigyan ng napakabilis
na responde at ng walang kahulilip
na tulong pinansyal sa lahat ng saglit
upang sa posibleng disgrasya masagip.

Na hindi nagawa yata nitong iba
na pinalad makaupo noong una
base sa ‘track record’ ng kahit sino pa,
ayon sa sarili nating pag-oberba;
partikular na ang mag-amang artista
na ‘12 years’ umupo pero nagsilbi ba?

Na lubhang napakalayo sa ‘performance’
ni ‘Nanay Baby’ sa puntong ‘good governance,’
at paghawak pati sa kaban ng bayan
ang isyung marapat nating pag-usapan
sa mga naunang ating nanungkulan,
kundi ang sa kanya’y pawang ikarangal.

At ang DILG mismo kwenta itong
nagbigay pugay sa butihing Governor
para sa nagawa’t mabubuting layon
na naiambag ni ‘Nanay’ sa ‘capitol’
sa loob ng eksaktong siyam na taon
na matatapos sa ‘2019 in June.’

Ang kapara ni Gob ay isang ‘literal’
na mabuting Ina ng isang tahanan,
kung saan ang lahat ng puedeng ialay
para sa anak niya ay ibinibigay;
kaya’t marapat lang na ito’y suklian
natin ng suporta na lubhang kailangan

Upang ang matapat niyang paglilingkod
para sa bayan at kanyang ini-irog
na mga Kabalen ay maging tibubos
‘until her 3rd terms of offi ce’ ay matapos;
at kung maari ay huwag munang manaog
sa Capitol hangga’t kaya pang maglingkod!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here