1. Bumoto ka ayon sa sinasabi ng iyong konsiyensya.
2. Igalang mo ang kapasyahan ng iba sa pagpili ng kandidato.
3. Kilalanin mo ang pagkatao, kakayahan at katangian ng mga kandidatong nanliligaw ng iyong boto.
4. Alamin mo ang mga isyu, plataporma, at programa ng mga kandidato o partidong tumatakbo sa halalan.
5. Huwag mong ibebenta ang iyong boto.
6. Huwag mong iboboto ang kandidatong gumagamit ng guns, goons, at gold.
7. Huwag mong iboboto ang kandidatong may record ng graft and corruption.
8. Huwag mong iboboto ang kandidato dahil lamang sa utang na loob, ganda, popularidad, o pakikisama.
9. Huwag mong iboboto ang kandidatong immoral sa kanyang personal na pamumuhay.
10. Isaalang-alang mo nang una at higit sa lahat ang kapakanan ng bayan sa pagpili ng kandidatong iboboto.
Mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting