Home Headlines Bilang ng migratory birds bumababa

Bilang ng migratory birds bumababa

891
0
SHARE

CANDABA, Pampanga — Unti-unti nang lumiliit ang bilang ng mga migratory birds dito kumpara ng nakararaang mga taon na nakaka-apekto naman sa turismo ayon sa Biodiversity Mmanagement Bureau.

Sa pagdiriwang ng World Wetlands Day ay nagtungo ang mga bird enthusiasts sa Candaba Wetlands upang mag bird-watching ngunit napansin nila ang pagbaba ng bilang ng mga dayuhang ibon.

Dating maraming ibon dito tulad ng egret, wild birds at wild ducks ngunit lumiliit na ang bilang ng mga ito kasunod daw ng agricultural conversion sa ilang bahagi ng Candaba Swamp.

Ayon naman kay Crisanta Rodriguez, director ng BMB, nakakatulong ang wetlands sa mga ibon lalo na kung napapangalagaan ito ng husto.

Ang Candaba Wetlands ay tanyag maging sa buong mundo na dapat ay magpatuloy anila ang pagdating ng mga migratory birds upang umusbong pa ang turismo dito.

Aminado siyang hindi mapipigil ang land conversion ngunit sana makontrol ito upang hindi madamay o maapektuhan ang pagdayo ng mga ibon sa Candaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here