TAPOS NA ang ‘mid-term’ ni Pangulong Digong
pagkaraan ng darating na eleksyon
pero ang ilan sa mga pinangakong
lulutasin ay di nagawan ng aksyon.
Gaya na lang nitong ‘endo’ na kabilang
sa aniya’y kikitlin pagkaupo pa lang,
iyan pati na rin ang wala na munang
barangay polls bigong maisakatuparan.
Na kung saan sabi’y ang itatalaga
na magiging ‘barangay chair’ at iba pa
ay di ‘trapo’ kundi ng may malinis na
record at malapit sa puso ng masa.
Subalit wala rin namang kinahinatnan
kundi ng pagod at pagkadismaya lang
itong sa sarili ng mga umasang
sila ang iuupo ng DILG riyan
Bilang kahalili ng mga ‘incumbent
barangay chairs’ saka ibang opisyales,
At mga ‘appointees’ na nga’t di ‘elected’
ang mauupo ‘as barangay officers’.
Subalit hanggang sa sumapit ang takdang
araw ng ‘barangay election’ di rin n’yan
nagawang tupdin ang kanyang binitiwang
mga pangungusap sa harap ng bayan.
Pagkat, hayan nga at malapit na naman
ang ‘mid-term election’ ay ‘trapo’ ulit d’yan
itong karamihan sa nag-aagawan
sa puesto… at higit malaki ang bilang –
Ng mga ‘returnees’ sa dating posisyon,
tulad halimbawa r’yan ng ‘former Mayor’;
At dating Alkalde, na Vice Mayor ngayon
ang target matapos ang siyam na taon.
Kaya nga’t kapagka ang inaasahan
na posibleng NoEl ang ideklara riyan
(ng Congress?), sa dikta riyan ng Malakanyang
may posibilidad, ‘revamp’ ang iiral.
Kung saan maaring ‘revolutionary
government’ tulad ng ginawa ni Cory
ang ideklara ng ating Presidente,
at ‘abolish’ na rin ang Senado pati.
(Na kilalang kontrabida kay Pangulo
ang malaking bilang, tulad ni Antonio
{Trillanes} na liban sa walang respeto
sa’ting ‘head of state’ ay basagulero).
At gaya ng dati ‘retained’ itong dapat
sa puesto n’yan manatiling nakasalpak,
partikular itong malinis at tapat
sa takdang tungkulin,at di mga ‘corrupt’.
Na sadyang bukal sa puso at damdamin
ang seryoso nilang paglilingkod sa’tin,
at walang ika nga ay ‘self interes’ din
kundi ng serbisyong masasabing ‘genuine’.
Mahusay ang pamalakad ni Duterte,
kaya lang minsan ang mga sinasabi
ay wala sa lugar ayon sa marami,
sanhi ng kawalang kontrol sa sarili.
At kung saan parang pagbibiro nga lang
pati kung mangako sa harap ng bayan,
kung kaya pati na ang dapat asahan
natin sa kanya ay biro din kung sanlan?