Home Headlines Bukas-kotse gangman patay sa shootout

Bukas-kotse gangman patay sa shootout

528
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija – Sa madilim na bahagi ng farm-tomarket road humandusay ang katawan ng isang di-umano’y miyembro ng notoryus na bukas-kotse gang matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Barangay Sampaloc dito pasado alas-8 ng gabi nitong Miyerkules.

Ang suspek ay kinilalang si Francisco Valenzuela, alyas Kiko, residente ng Poblacion Sur, Talavera.

Ayon kay Supt. Alexie Desamito, hepe ng Talavera police station, ang suspek at kasama nito na nagmamaneho ng single na motorsiklo ay naaktuhan ng manager ng isang kumpanya na binabasag ang salamin ng kanyang kotse na nakaparada sa harapan ng opisina sa Poblacion Sur. Mistulang nataranta aniya ang mga suspek at nagtangkang tumakas nang hindi nakukuha ang pakay sa kotse.

Nagkataon naman aniya na dumadaan ang kanilang mobile patrol kaya nakahingi ng saklolo ang biktima.

Nang magkahabulan, ayon kay Desamoto, ay nasukol di-umano ang mga suspek sa Barangay Sampaloc at doon na pinaputukan ng suspek ang mga operatiba.

Nakatakas ang kasamahan ng suspek matapos nitong pasibarin ang motorsiklo habang nagaganap ang putukan.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang .22 baril na gamit ng suspek at isang itim na sling bag.

Mula naman sa bulsa ng suspek ay nakuha ang dalawang pakete ng shabu, ayon sa pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here