Home Opinion Pamanang problema

Pamanang problema

552
0
SHARE

KUNG ganitong halos magtatatlong taon
na itong ‘war on drugs’ ni Pangulong Digong
pero bigo pa rin siya hanggang ngayon
na matuldukan ang problema sa Customs

At ito ang ‘gateway’ ng ipinapasok
na shabu at ibang bawal na epektos,
malamang hanggang sa tuluyang matapos
ang ‘terms of office’ niya ay di maisayos.

Pagkat hindi basta hihinto at sukat
ang nasanay na sa pagkita ng limpak
na salapi at mamuhay ng may galak
sa puso kahit na may napapahamak

Na nagiging biktima ng karahasan,
dulot nitong klase r’yan ng hanapbuhay
ng mga ‘drug lords’ na ikinabubuhay
ang ganyan, pero sa iba – kamatayan!

At di lang literal na buhay ng tao,
kundi pagkawasak pati nitong mundo
ng kabataan na nagumon ng husto
sa ganitong uri ng masamang bisyo.

Kaya nga’t kapagka’ tayo’y nagpasiil
sa gawang patraydor nitong mga taksil
at salot ng bayan saan na posibleng
bukas-makalawa tayo pupulutin?

Sanhi na rin nitong sinumang ipuesto
yata sa Customs ng butihing pangulo,
makaraan lang ang mga ilang linggo
nasaniban na ng lintik na demonyo?

Kaya kung hindi pa tayo makahanap
ng taong ang asal Santo ang katulad
itong sa BoC maipuesto agad,
ang kalakaran d’yan hindi magwawakas.

At kahit abutin marahil ng siyam-siyam
di pa rin hihinto itong mga suwapang
at mga ‘dorobo’ sa ahensyang iyan,
hanggang si Sir ay tuluyang mamaalam.

Mainam kung ang kay Duterte sumunod
na maging Pangulo tunay na maka-Diyos,
tayo ay maari na umasang lubos
na ang lahat ng ‘yan magiging maayos.

Pagkat kung di rin higit pa sa kanya
itong mailuklok pagkababa niya
(‘comes 2022’) marahil higit pa
kaysa dati ang bubunuhin ng iba.

Subali’t mas ikatutuwa ng lahat
kung sa susunod na ‘3 years’ pa niya dapat
sa Malakanyang ay lubos maipatupad
na ‘free from drugs’ na ang buong Pilipinas.

Pati na rin ang pagsugpo sa ‘corruption’
at iba pang malalang problem ngayon,
na kinakailangan mabigyang solusyon
sa panahon mismo ni Pangulong Digong

Itong namana niya sa ‘Tuwid na Daan’
ng rehimeng ang bansag ng iba, ‘Dilawan’
na hanggang ngayon ang pangit na larawan
ng administrasyon ni PNoy ay lutang!

(Erratum: BM Calara’s first name is erroneously written as ‘Nestor’ instead of ‘Nelson’ in yours truly opinion/article entitled “Abak na,” Issue No. 12, Vol. 12, dated November 8-10, 2018).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here