Home Headlines 1-M pirma kontra int’l airport sa Bulacan inilunsad

1-M pirma kontra int’l airport sa Bulacan inilunsad

801
0
SHARE

(Photo grabbed from the thepinoywarriorbulacan)

LUNGSOD NG MALOLOS – Maglilikom ng isang milyong pirma ang ibatibang civic organizations, opisyal ng simbahan at mga residente para tutulan ang planong pagtatayo ng San Miguel Corp. ng isang international airport sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Sinimulan ang kampanya nitong Huwebes na tinawag na “One Million Signatures for the Future Unity Conference” laban sa itatayong paliparan.

Ayon kay Bishop Deogracias Iniguez, convenor ng Bulacan Ecumenical Forum, tutol sila sa mga gagawing pagsira ng mga puno ng bakawan sa coastal area ng sitio ng Barangay Taliptip dahil sa pagtatayo ng paliparan.

Aniya, kapag sinimulan na ang proyekto ay marami ding maapektuhan na mga residente doon na pangingisda ang pangkabuhayan.

Samantala ayon sa ulat, inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA ang P700-billion proposal ng San Miguel Corp. na magtatayo ng “aerotropolis” sa Bulacan.

Ang “aerotropolis” ay may kabuuang 1,168 ektarya at city complex na itatayo naman sa 2,500 ektarya sa bahagi ng Manila Bay sa Bulakan, Bulacan.

Ang 50-year airport project na ito ay maglalaan ng anim na parallel runways na may initial annual capacity ng 100 million pasahero na triple sa kapasidad ng Ninoy Aquino International Airport.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here