Panawagan ng suporta sa BOL isinagawa sa consultative assembly

    762
    0
    SHARE

    (Bilang mga Muslim na nasa labas ng Bangsamoro territory ay nagtipon-tipon ang mga Muslim Leaders sa Bulacan na bumubuo ng 1 Bangsa para suportahan ang BOL. Kuha ni Rommel Ramos)

    LUNGSOD NG MALOLOS – Para suportahan ang nalalapit na plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero ay nagsagawa ng consultative assembly ang mga mamamayang Muslim sa Bulacan.

    Nais kasi ng grupong 1Bangsamoro Consultative Council, na ganap nang maging batas ang BOL sa gagawing plebisito bilang bahagi ng proseso.

    Ngayon pa lamang ay nagtitipon-tipon na ang mga Muslim leader sa ibat-ibang lugar upang hikayatin ang mga kapatid na Muslim na nakatira sa labas ng Bangsamoro Territory na suportahan ang BOL sa plebisito.

    Ayon kay Alan Balangi, presidente ng 1Bangsa, ang Bulacan Leaders Consultative Assembly ay ginawa para siguruhin ang suporta ng mga kapatid na Muslim na nakatira sa labas ng Bangsamoro territory na manalo ang Yes sa plebisito para sa BOL.

    Mas marami aniya ang Muslim na nakatira sa labas nng teritoryo ng Bangsamoro kaya’t kailangan din ng council of leaders sa ilalim ng Bangsamoro organization.

    Aniya, malaki ang kumpyansa nila na magiging ganap ng batas ang BOL sa susunod na taon matapos ang plebisito dahil matagal na nilang inasam ang naturang batas na tututok sa mga pangangailan ng kapatid na Muslim sa Mindanao.

    Nasa limang dekada na aniya ang lumipas mula ng kaguluhan sa Mindanao kaya’t nananawagan sila ng pagsuporta sa BOL na pipigil ng gyera dito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here