Home Opinion Kontrabando

Kontrabando

531
0
SHARE

TAMA lang sa ganang komento ng iba
at ni senador Ping Lacson, itong aniya
ay hindi na dapat ipinawasak pa
ni Digong ang bagay na kumpiskado na.

(Na nasasabat ng ating otoridad
sa ‘port of entry’ na kung saan nalagak
nang matagal at pagkatapos masiyasat,
nabistong ang laman ng container ‘hot cars’.)

At tulad ng unang pina-’bulldozer’ lang
ng ating Pangulo – ang kinauwian
ng pangalawa ay por kilo ring bakal,
na kung tawagin sa ‘junk shop’ ay ‘kalakal’

Yan sa ganang ating sariling opinion,
sa ‘norms of justice’ ay palpak na desisyon
ang ipasira lang basta nang ganoon
itong ‘subject’ na ang halaga ay ‘millions’.

Sa akala po ba natin madadala
ang mga ‘smugglers’ na salot ng bansa
sa pamamaraang tulad ng ginawa
ng ating Pangulo? ‘Yan maling akala!

Nang si SGMA pa ang Presidente
ginawa na rin ang bagay na nasabi,
pero naglubay ba itong mga peste
na ibang klase riyang mga negosyante?

Libong beses mang ‘yan ay paulit-ulit,
na mahulihan ng ‘smuggled’ na gamit,
‘iyan di hihinto sa pagpupumilit
mandaya sapagkat malaki ang balik.

Kaya nga’t wasakin man natin ang bawat
makumpiskang bagay na labag sa batas,
bale wala lang yan sa mga hayupak
na ang nahiligan ay gawang di patas!

Sa susunod na tayo’y may makumpiska
na ‘smuggled items,’ (puera lang basura)
kaysa wasakin lang ay dapat ibenta,
upang malinaw na ito’y maging pera.

At ang kuwartang malilikom ng gobyerno
mula sa naturan ipamudmod ito
ng DSWD sa mga tao,
na ‘poorest of the poor’ at ka-Pilipino.

Sino pa ba naman sa ating akala
ang dito sa atin muli pang magtangka
na mag-pasok uli ng bawal ika nga
kung ang kahantungan pagkapariwara?

At ang inaasam na ‘millions of pesos’
na kikitain ay magiging alabok,
liban sa posibleng kapagka natimbog,
ang kahinatnan ay sa Munti ang pasok

Kapagka’ minalas sila sa iligal
na transaksyong hindi klaseng hanapbuhay,
na ikapuri ng taong mararangal,
kundi pagkasira ng sariling buhay.

(Na di nalalayo riyan sa sinapit
nitong ‘queen of scam,’ Janet Lim- Napoles,
na pati anak niya, hayan pawang dawit
sa ‘money laundering case’ nito sa States!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here