Home Headlines 6 MONTHS SUSPENSION Mayor bumaba sa puwesto

6 MONTHS SUSPENSION
Mayor bumaba sa puwesto

856
0
SHARE

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Bumaba sa puwesto nitong Miyerkules ang alkalde ng naturang bayan matapos na patawan ng siyam na buwan na suspensyon ng Office of the Ombudsman dahil sa kasong “Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service and Simple Misconduct”.

Matapos isilbi ng Department of the Interior and Local Government amg order, emosyonal si Mayor Carla Galvez-Tan nang umalis sa munisipyo at payapa daw siya na bumaba gaya ng napagkasunduan sa DILG at bahala na ang kaniyang abugado sa mga susunod na hakbang.

Ang suspensyon ni Galvez-Tan ay batay sa desisyon ng Ombudsman na inilabas noong April 19, 2018 na aprubado pa ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Si Galvez-Tan ay dinisesyunang “administratively liable for Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Simple Misconduct” matapos sampahan ng reklamo nina San Ildefonso Vice Mayor Sarrondo at apat na municipal councilors, Alexander Galvez, Eriberto Magbitang , Roderick Salvador at Edgardo Vergel.

Kinumpronta kasi ni Galvez-Tan si Vergel habang nagsasagawa ng sesyon ang sangguniang bayan noong Enero 24, 2017.

Nakitaan naman ng Ombudsman ng sapat na batayan ang reklamo laban sa alkalde sa pagkumpronta at paninigaw nito kay Vergel sa gitna ng sesyon.

Nagresulta daw ito sa pagkakagulo at pagkakaantala ng nasabing sesyon.

Hindi binigyang timbang ng Ombudsman ang depensa ni Galvez-Tan na hindi niya ginulo ang SB proceedings dahil naka-recess ang sesyon nang siya ay pumasok sa sesyon hall at naganap ang kumprontasyon.

Ayon sa Ombudsman, nakasira sa imahe at integridad ng tanggapan ng alkalde ang ginawa ni Galvez-Tan.

Ayon kay Acting Mayor Sarrondo, ang hudikatura ang nagdesisyon sa ginawa ni Galvez-Tan dahil sa inasal nito sa kanilang sesyon kaya ito pinatawan ng parusa dahil sa hindi pagrespeto sa aanggunian.

Uupo si Sarrando bilang acting mayor ng siyam na buwan habang si first councilor Alexander Galvez ang magsisilbing acting vice mayor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here