Marian Rivera rejects project from GMA-7

    373
    0
    SHARE
    AFTER HER fantaserye “Super Ma’m” Marian Rivera wants to take a break from doing soap. This time the kapuso actress prefers to do a movie instead.

    “Open na ako na gumawa ng mga out-of-the box na istorya kasi nanay na naman ako, may asawa ako, puwede na akong mag-take ng risk. It’s about time siguro na gumawa naman ako ng something new.

    “Mga tipong baliw-baliwan, pumapatay, ganun! Wala akong ganun, e. Puro mabait ako, e! Malay mo naman may pagkakataon ako dun. Mas gusto ko nang gawin yung kesa magpa-sexy, mas gusto ko ng mga ganung character.

    Something new naman for 2018.

    “Although siyempre may mga kino-consider kami na mga endorsements, na minsan sensitive sila sa ganyan so hindi puwedeng bara-bara. Kailangan magpapaalam tapos talagang, siyempre kailangan din nating ingatan siyempre, mother imaging.”

    Tonight will be the final episode of “Super Ma’m” what was the hardest scene she did in this teleserye?

    “Hindi kasi ako madalas nagpapa-double so kung ano yung mga eksena na dapat ginagawa nung double ko, ginagawa ko talaga siya nang aktuwal. Kaya minsan yung asawa ko [Dingdong Dantes] sinasabi niya, ‘Mahal, kapag alanganin, huwag mo namang gawin.

    “Kasi ikaw minsan kahit alanganin ginagawa mo. Remember, may anak ka.’ Sabi ko, ‘Ah, oo nga pala!’ Ako naman kasi pag trabaho, trabaho, one hundred percent ko ang ibinibigay ko. Tinanggap ko nga ito dahil gusto ko, so gagawin ko talaga siya.

    “And alaga naman ako sa set, e. Pag alam nilang alanganin sila mismo nagsasabi, ‘Sandali Yan, try muna natin.’ Especially with Direk LA, dyusko hindi ako pababayaan nun. ‘Saka sina Tatay Val [Iglesias], sila muna bago ako. So secure talaga, hindi ako nagwo-worry talaga.”

    Marian announced that she will signing for “Tadhana” a GMA show were she hosts.

    “Parang ang target nila ten years, choz.” The actress is being watched every Sunday in “Sunday Pinasaya”, so, despite Super Ma’m’s lost, she will still be seen on two shows.

    “At least rest muna ako, for six months naman nasa TV ako ng primetime [via Super Ma’am]. At hindi naman maglalaon may offer naman ang GMA pero sabi ko nga, mag-rest muna ako after Super Ma’am. May offer sa akin ang GMA na heavy drama, pero magre-rest muna ako. Paano ako magbubuntis kung taping ako nang taping? Priority ko naman mag-rest muna. Siguro deserve ko naman, for straight six months [na trabaho], mag-rest muna ako.

    “Pero yung asawa ko siyempre back to work siya. Hindi kami puwedeng sabay at ayokong magkasama kami sa soap kasi kawawa yung anak namin. [Pag] Parehas kami sa soap, sinong maiiwan kay Zia? At least kapag siya may soap, ako may soap na magkahiwalay… every other day kasi pinaplantsa namin, e. M-W-F ako, T-TH-S siya. So halinhinan kami.”

    * * *

    NEW KAPUSO actor Matt Evans will be playing a villain in GMA 7’s “Sherlock Jr.” This is one thing that Matt wants to do as he transfer to GMA from ABS-CBN.

    “Yung maganda rin po, noong lumipat po ako rito, tinanong po ako nila Ms. Lilybeth [Rasonable] kung ano raw po ang gusto kong role. Sinabi ko sa kanila, ayoko naman pong magbida. Iba po ang pressure ng bida. “Sabi ko, doon na lang po ako sa mga character roles. At least, mas mabilis na maka-penetrate at saka ano po, challenging din po.”

    In ABS, Matt played the lead role of “Da Adventures of Pedro Penduko” in 2007.

    Matt has been in ABS for the past twelve years, has he ever thought of moving out of ABS?

    “Ay, hindi ko naman po binigyan ng restriction ang sarili ko. Siyempre po, tulad din ng ibang idolo naming artista, gusto ko rin pong marating, like, yung status ni Kuya Tonton [Gutierrez] na tatay ko po rito sa teleserye namin. Ang sarap din lang po sa pakiramdam na, in both networks, ang ganda ng reputasyon mo.”

    “At saka, sa kanila rin naman po galing na, at least, hindi nalilimitahan ang trabaho ko. Puwede naman po akong tumanggap sa kahit anong network. Sobrang ganda rin naman po ng paalam ko, at sila rin naman po ang may sabi na anuman po ang mangyari, puwede naman po akong bumalik.”

    Was it hard for him to adjust now that he’s in GMA?

    “Mabilis din po akong nakapag-adjust. Sabi rin po ng dati kong handler sa ABS, yung field lang ang magbabago, pero yung trabaho, pareho lang naman po. “So, yung pakikisama po ang pinaka-best sa akin.”

    Any expectations from GMA?

    “Siguro po, gusto ko lang din pong mapantayan ang 12 years ko sa ABS. Kung ganun din po ang ibibigay sa akin ng Panginoon na longevity ng career ko, bakit naman po hindi, magpapasalamat po ako dun.”

    Matt was able to work with Direk Rechie del Carmen in ABS. The latter is the director of Sherlock Jr.

    “Matagal ko na rin po silang nakakatrabaho. Nakakasama ko po sa mga out-of-town shows dati. Nang mapabilang po ako sa show na ‘to, konting-konting adjustment na lang po ang nagawa ko. Siguro sa mga staff na lang po, kasi sila lang po ang halos hindi ko nakatrabaho, mga staff po.”

    When he was with the kapamilya who would he want to work with the kapuso stars?

    “Actually, yung mga gusto ko pong makatrabaho rito, halos mga kaibigan ko na rin po. Like, sina Tom Rodriguez po, sila Dennis Trillo sa mga leading men. Sa babae naman po, si Ate YanYan [Marian Rivera] siyempre. Si Janine [Gutierrez] po, hindi ko alam na makakasama ko sa teleseryeng ito. Tapos napakaganda pa ng teleserye namin at primetime pa.”
    That actor admits why he transferred to GMA.

    “Siyempre, tatay na rin po ako at kailangan ko rin po ng mas maraming trabaho. Nakita ko naman po yun dito. Simula po nung tumuntong ako ng GMA, overwhelming din naman po ang mga trabahong ibinibigay nila sa akin.”

    His marriage with Katrina Farinas made him work harder plus having their own kid.

    “Sobra po, 360 degrees talaga. Dati, pagkatapos ng trabaho, gigimik pa ako, iinom pa. Kung may segue ka, hindi ka nakakapag-perform nang maayos. At least ngayon, mas may direksiyon po ako.”

    Matt has already 3 kids with Katrina. The actor also confessed that he has no regrets marrying at a very young age.

    “Wala po, e, wala po talaga akong regret. Siguro yun lang po, tinanggal ko po agad sa sarili ko na wala po akong insecurities sa ibang artista at saka sa ibang mga tao. Kung anuman po ang mga trabahong dumating sa akin, nagpapasalamat po talaga ko lagi.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here