Kung ipapasa ang BBL version na tinutulak ng isang paksyon ng MILF na kaugnay ng pamahalaang Noynoy Aquino, magkakagulo lamang dahil sa daming mali sa pag-iisip, pag-sasalita at pag-gagawa.
Tsina. Ang imperialist policy ng Tsina ay ang kinakalaban natin. Gustong sakupin ng Tsina ang buong South China Sea, kasama na diyan ang ating Exclusive Economic Zone kung saan tayo nangingisda at may laman na oil at gas reserves. Walang basehang anuman sa international law or historical basis ang pagkilos na ito ng Tsina.
Kailangan nating patibayin ang ating national defense – internal at external -(economic, cyber, information, legal, diplomatic, law enforcement, intelligence, armed forces) para magkaroon tayo unti-unti ng credible deterrence.
Poverty. Kailangan natin mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng agriaqua development, eco- at agro-tourism, manufacturing at serbisyo para sa kalahatang Pilipino at sa mundo.
Kailangan ma-reunite natin ang mga pamilya na separado dahil sa diaspora. Reuniting them is key to national unity, transformation and development.
Good government. Ang pamahalaan ay dapat maging matino at mahusay. Honest and competent. Ito ang hinihintay ng lipunan, isang pamahalaan that does the right things and does things the right way, out of habit. Ngunit may isang kolatilya na dapat natin ma-intindihan. A society gets a government it deserves, kaya’t ang sambayanan ay dapat maging matino at mahusay din para makamtan ang kanilang pangarap.
Ito ang aking ipinaglalabang paninindigan.