Talo ang bansa sa VFA

    622
    0
    SHARE

    Mga kabalen, makaraan ang ika-80 taong anibersaryo ng Mutual Defense Treaty nitong ika-16 ng Nobyembre, sariwain natin ang inihain ko kamakailan na Joint Resolution Terminating the Visiting Forces Agreement (VFA) and Directing the Secretary of Foreign Affairs to Give Notice of Termination to the United States of America.  Narito po ang mga dahilan.

    Hindi alinsunod sa Konstitusyon ang VFA.  Ayon sa Konstitutsyon, “(T)he State shall pursue an independent foreign policy. In its relations with other states, the paramount consideration shall be national integrity, territorial integrity, national interest, and right to self-determination.”

    Kaugnay nito, lumilitaw sa mga nakaraang pagdalaw ng mga US forces sa bansa na walang malinaw na pagtukoy ang VFA sa bilang ng US troops na maaaring makapasok sa bansa. Ito ay paglabag sa territorial integrity ng bansa.

    Nakasaad din sa Konstitusyon: “After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United States of America concerning military bases, foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate…”

    Ang VFA ay hindi tratado, kundi isang kasunduan lamang. Dahil hindi tratado ang VFA, at may pagpasok ng foreign (US) troops sa bansa sa ilalim ng VFA, di ba’t maaaring labag na ito sa Konstitusyon?

    Kaugnay pa rin ng nakasaad sa Saligang Batas, may mga panawagan mula sa Senado at House of Representatives, kasama din ang public at private sectors, para sa “review of the Agreement between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States regarding the Treatment of the United States Armed Forces Visiting the Philippines or the Visiting Forces Agreement (VFA) between the Philippines and the United States of America.”

    Dumadami ang mga Pilipinong hindi na sang-ayon sa VFA.  Dumadami na rin ang naniniwala na mas malaki ang peligro sa bansa kaysa sa kapanginabangan na mapapasa-bansa kung hahayaan nating magpatuloy ang VFA, bunsod na rin sa mga di kanais-nais na mga pangyayari kung saan sangkot ang mga di umanoy dumadalaw na mga sundalong Amerikano.

    At hindi tayo pwedeng umasa sa pagbabakasali na magiging maayos ang lahat at magiging kapakipakinabang ang VFA sa bansa sa mga darating na panahon.

    Sa naobserbahan natin, higit pa sa military training exercises ang ginawa ng mga sundalong Amerikano sa mga panahon ng kanilang pagbisita sa Pilipinas para sa mga friendship exercises. Sumali pa sila sa aktuwal na combat operations ng AFP laban sa mga insurgents. Tahasan din itong paglabag sa Konstitusyon.

    Naniniwala akong ino-obliga ng VFA ang Pilipinas na gumawa ng napalaking bagay para sa Amerika, kapalit nang maliit o di katumbas na mga “benepisyo.” Gaano man ang “pakinabang,” hindi nito maaaring maging kapalit ang national at territorial integrity bansa.

    Tulad ng depekto sa VFA hinggil sa maaaring limitasyon ng pamamalagi sa bansa ng mga US troops. At maging sa pagtitiyak kung anu-anong mga aktibidad ang maaari nilang isagawa sa panahon ng kanilang pamamalagi sa Pilipinas.

    At bukod pa sa mga nabanggit na kalamangan ng US sa Pilipinas hinggil sa VFA, nakababahala na ang ilang mga “pang-aabuso” ng mga sundalong Amerikano habang isinasagawa ang VFA gaya ng mga sumusunod:

    Ang alegasyon kay US soldier Reggie Lane, na diumano’y may kinalaman sa pagbaril kay Buyong-Buyong Isnijal, isang magsasaka, noong 2002 sa Basilan. Ito ay nagpatunay ng pagsali sa direct combat operations ng US troops.

    Ang ulat ng pananakot ng armadong si Master Sergeant Ron Berg, kasama ang ilang miyembro ng US forces, na naganap diumano sa Sulu noong Nob. 30, 2007.

    Ang napabalitang massacre sa Umapoy Island, Tawi-Tawi, noong May 25, 2004, kung saan sinabi ng ilang testigo na kasama ang di kukulang sa apat na sundalong Amerikano sa madugong insidente.

    At ang kontrobersyal na kaso ng panggagahasa na naisampa laban kay Lance Corporal Daniel Smith, na nahatulang nagkasala ng Makati RTC 139 noong 2006, subalit pinawalang-sala ng Court of Appeals.

    Kapansin-pansin na sa panahon na ang dapat sana’y nakulong si Smith sa isang piitan sa bansa, siya napasa-kustodiya ng US Embassy. Ayon sa Supreme Court, sa Nicolas v. Romulo (2009), ito’y di sang-ayon sa VFA.

    Lumilitaw na isang pagkakamali ito – sa pagtupad sa VFA — hinggil sa dapat harapin ng mga American soldiers na lumabag sa ating mga batas.

    Sa ngayon kailangan muna nating tapusin ang VFA. May kapangyarihan ang Kongreso para maipatupad ito, sa pamamagitan ng isang joint resolution kung saan magbibigay tayo ng due notice of termination ng naturang depektibong kasunduan.

    “Article IX of the Agreement between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines provides that the VFA “shall remain in force until the expiration of 180 days from the date on which either party gives the other party notice in writing that it desires to terminate the agreement.”

    Ang pagbabasura sa VFA ay hindi magreresulta sa tahasang pagputol ng relasyon sa Estados Unidos.

    Maipagpapatuloy pa ang kasaysayan ng magandang pakikipag-ugnayan natin sa marami pang paraan na makikinabang ang bansa ngunit hindi dapat maisasantabi ang ating national integrity.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here