Home Opinion Suko na ang Pangulo?

Suko na ang Pangulo?

466
0
SHARE

PAGKALIPAS ng ‘month of June 2019’
tapos na ang first 3 years sa term ng ating
Pangulo, pero sa obserbasyon natin,
tapos na ang ‘term’ niya di magawang tupdin.

Ang ipinangakong umano ay kanyang
dudurugin ‘within just 3 to 6 months’ lang
ang salot na droga sa ating lipunan,
pagkat marami ang kontrabida riyan.

Kasama na ang CHR sa marami,
na kontra sa ‘war on drugs’ ni Presidente,
kung kaya hirap siyang maipatupad pati
ang tamang solusyon na makabubuti.

Tayo man bang ito ang siyang lumagay
sa katayuhan niya’y di maging pasaway,
kung saan ang lahat na’y inilalagay
na natin sa wasto, tayo’y ina-away?

Paano mabigyan niya ng tamang lunas
ang pagsupil, tulad ng sa ‘illegal drugs’
kung sa BOC ay may mga kasabwat
ang mga ‘smugglers’ ng bagay na labag?

Gaya nitong apat na ‘magnetic lifters’
na hinihinalang ang laman ‘smuggled’
na shabu, at mga higanteng ‘suppliers’
at ‘consignee’ itong kasabwat ng ‘pushers’.

Magkasalungat ang paniwala nina
Aaron Aquino at Isidro Lapeña,
hinggil sa naturan,’ kung saan ang una
sinisiguro niyang ang laman ay droga

Ito namang si Commissioner Isidro,
itinangging wala ni bakas ng shabu
na hinihinala ni Aaron Aquino,
kaya marapat na masiyasat ng husto.

Kaya lang ng dahil sa di man yata
nakita ni Digong ang ‘subject,’ karaka
sinabi niyang hindi siya naniniwala
na ang laman nitong ‘lifters’ ay shabu nga.

Kundi itong kay PNP Chief Aaron
ay maituturing na spekulasyon,
iyan kapintasan kay Pangulong Digong
pagkat may bahid ng pagkakunsintidor.

Gaya rin ng mga walang katiyakan
na mga pahayag sa harap ng bayan,
bilang Pangulo ng bansa ay kailangang
determinado ang bawat salita n’yan.

Di makabubuti itong maya’t-maya
kanyang sa atin ay ipinamumukha,
na anumang oras aniya ay handa
siya’ng sa posisyon niya magbitiw ng kusa.

At nang dahil lamang sa mga tirada
ng mga kalaban niya sa pultika,
pagbaba sa puesto ang panangga niya?
Yan di marapat na ipanganghas tuwina!

Nasaan ang tapang at taglay na gilas
na panimula ng pagdurog sa lahat
ng uri ng bisyong ‘til these days’ talamak
sa lahat ng dako nitong Pilipinas?

Kumusta na itong matinding korapsyon
na namamayagpag pa rin hanggang ngayon?
Ang pakikidigma niya saan hantong
kapag nagpatalo siya sa kunsumisyon?

Tama bang kung kailan naka-’score’ na siya
sa pakikidigma’t medyo malapit na
siya sa ‘fi nish line,’ saka ihayag niya
ang ganyang tanda ng kawalang pag-asa?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here