Kaso laban sa punong barangay ikinasa ng provincial prosecutor

    477
    0
    SHARE
    MAGALANG, Pampanga – Kinatigan ng Provincial Prosecutor Office ang kasong isinampa ni Trinidad “Toto” Gonzales laban sa punong barangay ng Sta. Cruz, Magalang at sa isang kagawad nito matapos magbaba ng “joint resolution” tungkol sa dalawang kasong isinampa ng magkabilang panig.

    Dahil sa desisyon, ang kasong physical injuries laban kay Punong Barangay Junnel G. Malonzo ay isinampa na sa Municipal Circuit Trial Court para sa karampatang paglilitis.

    Matapos ang pagsasampa ng kaso, tinangka ni Malonzo at Kagawad Arnel Santos na ipaisantabi ang “joint resolution” sa pamamagitan ng pagsasampa ng “motion for reconsideration” sa naging pasya ng provincial prosecutor sa kadahilanang ang katulad na kaso nito ay hindi binigyang halaga at ibinasura ng Sangguniang Bayan ng Magalang.

    Matatandaan na nagsampa si Gonzales ng isang “administrative case” laban kay Malonzo at Santos sa Sangguniang Bayan ng Magalang subalit ito ay agad na dinismis. Sinasabing si Malonzo ay isang malapit na kaalyado sa pulitika ni Vice Mayor Norman Lacson.

    Kagya naman binara ni Gonzales ang argumento ni Malonzo at Santos sa pamamagitan ng paghahain ng “opposition” sa “motion for reconsideration.

    Inilatag sa “opposition” ang sangkaterbang desisyon ng korte na ang pagbabasura ng isang “administrative case” ay hindi pumipigil sa pagsasampa ng isang asuntong kriminal sa katulad na kasong “administrative.”

    Ayon sa isang abogado, “ang “joint resolution” ng Provincial Prosecutor ay patunay lamang na ang katarungan ay hindi kumikilala ng kulay kundi nagbibigay ng matapat at makatutuhanang pagtatasa sa merito at ebidensya ng kaso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here