Hindi pa umaamin sina Mark Herras at Wynwyn Marquez, pero feeling namin, malapit na silang umamin na in a relationship na sila. Halos hindi na sila naghihiwalay at pansin namin, paramihan sila ng pictures nilang magkasama sa kani-kanyang Instagram (IG).
Mas naging close pa sina Mark at Wynwyn nang magkasama sa Little Nanay at kahit hindi sila ang magkapareha, kinikilig pa rin ang kanilang supporters. Sayang nga na hindi pa sila ang pinagtambal.