Pacman, namimiligro?

    429
    0
    SHARE
    MUKHANG namimiligro ang kandidatura sa pagka-senador ng Pinoy boxing hero na si Rep. Manny Pacquiao dahil sa kanyang binitawang salita na masahol pa umano sa hayop ang same sex marriage na umani ng matinding reaction mula sa LGBT (lesbian, gay, bi-sexual at transgender) community.

    Ilan sa mga nagbigay ng ‘violent reaction’ ay sina Vice Ganda, Aiza Seguerra, John `Sweet’ Lapus at iba pa.

    Sa laki ng LGBT community sa Pilipinas, malaking kabawasan ang mga ito sa inaasahang boto ni Pacquiao.

    Kahit humingi na ng paumanhin si Pacman, mukhang hindi na nito mababawi pa ang suporta ng LGBT community sa kanya.Pero kung ang survey ang pagbabasehan, pasok pa rin si Cong. Manny sa Top 12 slots among senatoriables.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here