Daniel Padilla tinalo ni Alden Richards

    380
    0
    SHARE
    Hindi agad umalis ang grupo sa Dubai pagkatapos ng show ni Alden Richards sa naturamg lugar. Nalaman nila na nag-show na rin doon si Daniel Padilla.

    Ayon sa nakausap nila mas maliit ‘yung venue ni Daniel doon kumpara sa Dubai Duty Free Tennis Stadium.

    Kahit puno ang show ni DJ, kung pag-aaralan mas marami pa ring tao sa show ni Alden.

    Sey ng isa sa producer ng Dubai na si Ms. Caroline Jimenez Poot, masaya na sila sa outcome ng show ni Alden sa one-month preaparation nila. Ang production din nina Ms. Carol ang nagdala noon sa Dubai kina Toni Gonzaga, Sam Milby, Rico Blanco, Ethel Booba, Daniel Matsunaga, atbp.

    Bago pa mag-Christmas ay sold out na ang VIP tickets nila at ‘yung ibang expenses ay sagot ng mga sponsors nila. Proud din sila na nadala nila sa Dubai ang isa sa pinakasikat na actor ngayon ng Pilipinas. Balak din ng production na dalhin sa Dubai sina Jose Manalo, Wally Bayola, Yaya Dub kung mabibigyan ng pagkakataon at walang conflict sa schedule nila.

    Anyway, grabe ang fans nina Alden at Yaya Dub sa Dubai. Ang dami ring pinadalang regalo kay Yaya Dub pero hindi naman madadala nang personal assistant ni Alden dahil tumuloy pa sila ng Qatar at tambak din ang gifts na galing sa mga pabolosong fans na magkakasya lang sa bagahe nila. Ang ending ipapadala na lang ng producer ng Dubai.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here