Janella Salvador di pa puwedeng magpaligaw

    395
    0
    SHARE
    Sobrang thankful ni Janella na ang bilis ng mga pangyayari sa kanya na pati siya ay nalulula.

    Una siyang nakilala sa Be Careful With My Heart at pagkatapos nito ay nabigyan agad siya ng solo soap na Oh My G, ng album at ngayon, may launching film na siya.

    “Everything big is coming sabay-sabay and hindi ko alam what I did to deserve it. Pero napaka-happy ko and I don’t wanna call myself lucky, gusto ko blessed, kasi napaka-strong din ng faith ko na lagi akong nagpepray na thank you for everything,” say pa ng tinaguriang Darling Teen Princess.

    Kasama ni Janella sa Haunted Mansion sina Mario Mortel at Jerome Ponce.

    Okay lang kay Janella Salvador kahit pinagbabawalan pa siyang makipag-boyfriend ng mommy niyang si Jenine Desiderio. At 17, alam naman niyang bata pa siya at wala pa sa tamang panahon para makipag-bf.

    Besides, hindi pa rin naman daw niya nararamdaman ang “tibok ng puso,” kumbaga, kaya no problem ito sa kanya.

    “Hindi ko pa naman napi-feel na kailangan ko,” say ni Janella nang makausap namin kahapon sa pocket presscon ng launching film niyang Haunted Mansion, official entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

    Bawal din daw sa kanya ang makipag-date at kahit hindi bawal, wala naman din daw siyang time dahil nga mas focused siya sa kanyang career.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here