Bukod sa ratings, noontime at Sunday show war, inaabangan na ng mga televiewers at netizens ang ilalabas na Christmas ID ng magkalabang network. Aling station ID ang mas maganda, bongga at pabulosa?
Siyempre, lahat ng mas malalaking artista ng Channel 2 ay isasama lalo na ang mga loveteam ng network.
Pawang pasilip pa lang ng pictures ang lumalabas sa ID nito.
Sa GMA Christmas ID, siyempre, bukod sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, join din sa shoot ang AlDub loveteam at ang mga Lolas na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Sa kanila pa lang, winner na winner na ang dating ng GMA Christmas ID.
Eh, alam ng GMA executives ang phenomenon na nilikha nina Alden at Yaya Dub. Kaya naman siniguro ng GMA executive na si Jimmy Duavit na hindi mabibigo ang fans ng dalawa sa mas maraming show na gagawin nila sa 2016 sa network!
’Wag lang sanang ilayo sa image na nagustuhan ng tao si Maine sa susunod niyang projects para mapanatili ang pagkagiliw sa kanya ng tao.