So far, ito na ang number one presscon within the year dahil lahat ng mga press people ay invited sa event. Sa isang bonggang Chinese resto ginawa ang presscon at kuntodo lauriat talaga ang food serving.
As usual, nagbalot-balot ang karamihan sa mga kapatid sa panulat dahil sa sobrang pagkain.
Anyway, humarap ang mag-asawa kasama ang kanilang anak at marami silang ipinaliwanag kung bakit sila ang kinuha ng Megasoft. It turned out, idol pala ni Ms. Aileen Go si Jolens dahil magkaedad sila at talagang dead na dead ito na kunin nga si Idol.
Sabi ni Jolina, ginagamit ni Pele ang produkto at talaga namang parang fit na fit ito sa kanyang anak. Sinubukan pa raw nila ang produkto bago finally tinanggap ang endorsement.
Anyway, bibong bata si Pele at baka isa sa mga araw na ito sa dami ng mga write ups na lalabas tungkol sa kanya, tuluyan nang maging child celebrity ang anak ni Jolens.