Walang lovelife pero okey lang

    489
    0
    SHARE
    Sa presscon ng The PreNup ay kinorner talaga ng entertainment press si Jennylyn Mercado at kinulitkulit tungkol sa tsikang break na sila ni Dennis Trillo.

    “Ha? Paano nangyari ’yun? Wala, wala. Hindi ko alam kung saan galing ’yun,” say ni Jen.

    Pero ganu’n pa rin ba ang friendship nila?

    “Ganu’n pa rin, wala namang nababago.”

    May nagbirong hindi naman daw halatang heartbroken siya dahil blooming pa rin siya at sabi niya, “I’m trying my best para hindi magmukhang haggard kasi everyday talaga, literal, from one set to another, doon na ako naliligo.”

    So, heartbroken siya talaga ngayon?

    “Excuse me, hindi ako heartbroken,” mabilis niyang sagot. “Okay pa naman ako.”

    Samantala, ang The PreNup na first team-up nila ni Sam Milby showing on October 14 ay second romcom movie ni Jen matapos ang una niyang English Only, Please with Derek Ramsay na talaga namang super-successful sa box-office.

    Aminado si Jen na may pressure on her part dahil siyempre, marami ang nag-aabang kung mahihigitan ba or mapapantayan man lang ng The PreNup ang success ng EOP.

    Pero ibang-iba naman ang dalawang pelikula lalung-lalo na ang kwento at ang karakter nila ni Sam.

    “Totally different po. Si Tere (karakter niya sa EOP), medyo makulit lang siya. Eto talaga, tumodo, eh. To the highest level ang pagkabakla niya (karakter niya sa The PreNup), parang kulang na lang maging bakla siya, ganu’n.”

    Alin ang mas malapit sa totoong Jennylyn?

    “Kasi may part si Tere na part ko rin, may part din naman si Wendy na part din ako. Hati. ’Yung kay Wendy kasi, masayahin siya talaga, bubbly. Tapos masaya siya sa mga magulang niya. Tapos, takot siya magmahal.”

    Takot din ba siyang magmahal?

    “Opo, takot na,” natatawa niyang sagot.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here