Mga artistang pumapasok sa pulitika

    474
    0
    SHARE
    Hanggang noong Biyernes, October 16 na lamang ang last filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga tatakbo sa iba’t ibang posisyon para sa 2016 national and local elections kaya tiyak na marami pang ibang surprise candidates ang lulutang para humabol sa kanilang kandidatura.

    Nasa magkalabang partido ang mag-inang Alma Moreno at Vandolph Quizon na tatakbo sa magkaibigang posisyon – si Alma sa pagka-senador under UNA ticket ni VP Jojo Binay at si Vandolph naman ay tatakbo sa pagka-konsehal ng Parañaque sa ilalim ng Liberal Party. Pero sa kabila nito ay suportado ng mag-ina ang isa’t isa.

    Tatakbo naman sa pagka-vice mayor ng Calatagan, Batangas ang original Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario. Nasa UNA naman sa pagka-konsehal sina Rico J. Puno, Monsour del Rosario at ang “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario.

    Ang nakababatang kapatid ni Rannie Raymundo na si Lance Raymundo ay tatakbo sa pagkakonsehal ng San Juan City sa ilalim ng ticket ng mayoralty candidate na si Francis Zamora kahit pa malapit ito (Rannie) sa incumbent mayor na si Guia Gomez.

    Tuluyan na ring nabuwag ang tandem nina Mayor Guia Gomez at Vice Mayor Francis Zamora dahil tatakbo sa pagka-mayor ng San Juan ang batang Zamora, anak ni Rep. Ronaldo Zamora na identified noon kay dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

    Tatakbo naman sa pagka-senador si Edu Manzano bilang independent habang ang kanyang ex-wife na si Batangas Vilma Santos ay kakandidato sa pagka-kongresista ng Batangas.

    Mukhang hindi na rin tutuloy si Luis Manzano sa kanyang pagpasok sa pulitika sa rami niyang commitments (sa ABS-CBN).

    Hindi na tatakbo sa pagka-kongresista si Rep. Lani Mercado kundi tatakbo ito sa pagkamayor ng Bacoor, Cavite habang tatakbong muli sa pagka-vice governor ang anak nila ni Sen. Bong Revilla na si Jolo Revilla.

    Ang panganay na anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez naman ang tatakbo sa pagka-mayor ng Parañaque. Si Joey ay tatlong termino o siyam na taong nanilbihan bilang alkalde ng Parañaque.

    Tatakbo muli sa pagka-gobernador ng Laguna ang na-unseat na governor ng Laguna Province, ang actor-politician na si E.R. Ejercito habang re-electionist naman bilang mayor ng Pagsanjan ang misis niyang si Maita Ejercito.

    Samantala, mukhang malabo nang maipasa ang Anti-Dynasty Bill sa Kongreso at Senado sa takbo ng political system sa Pilipinas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here