Inanunsyo sa presscon ni Deo T. Endrinal, business unit head ng Dreamscape Entertainment na extended till next year pa ang OTWOL na ikinatuwa talaga namin.
“We’re up to next year, we’re crossing over Christmas and New Year and Valentine’s Day,” pahayag ni DTE.
Ikinatuwa rin ito mismo nina James at Nadine na that moment lang nalaman ang extension kaya sobrang thankful nila. Both of them were saying na talagang hindi nila ine-expect na magiging ganito kalaki ang OTWOL kaya masayang-masaya sila.
Sobrang overwhelmed din ang JaDine na hindi lang sa ’Pinas naghi-hit ang OTWOL kungdi sa iba’t ibang panig din ng mundo.
“It’s overwhelming, it’s a new feeling, I never experienced anything like this kasi ito ang first teleserye namin, and ang daming OTWOLISTA, achieved na achieved,” say ni James.
Say naman ni Nadine, sobrang kinakabahan pa nga rin daw siya hanggang ngayon at wish lang niyang magpatuloy pa or madagdagan pa ang pag-appreciate ng mga tao sa kanilang ginagawa sa serye.
Sa presscon, siyempre ay natanong ang dalawa kung hindi pa ba magiging reality ang dream ng lahat na magkatuluyan sila at ma-in-love sila sa isa’t isa tulad ng karakter nilang sina Leah at Clark.
Pero pareho sila ng sagot na tingnan daw natin in the future dahil sa ngayon talaga ay friends lang sila at mas ok daw ang ganito for now.
“Kasi parang nagwu-work siya (being friends) ngayon, ayaw po naming maging complicated kasi what if, magkaroon pa kami ng away or something, siyempre, mahirap pong magtrabaho ’pag meron pong ganu’n,” sabi ni Nadine.
When asked kung boyfriend or girlfriend material ba ang isa’t isa, parehong “oo” ang sagot nila.
“Si Nadine, maalaga, she’s always asking me ‘don’t you want to eat?’ or anything like that, she always asks me if I’m okay, she’s very maalaga.”
“Ako naman po, very emotional po kasi ako even in real life, hindi lang as Leah.
Tapos siya po ’yung parating nagpapatawa sa akin, ’yung mga jokes po niya, nagmemake faces siya. Gusto ko po kasi ‘yung parating nagpapatawa sa akin,” say ni Nadine.
Naiintindihan naman daw nila kung gusto ng mga fans na sila talaga ang magkatuluyan at say nga ni Nadine, ganyan din siya dati, she was once a fan.
“Normal naman po ’yun kung sobrang fanatic ka po talaga, kasi na-experience ko rin po ’yun before na parang ‘oh my God, sila na,’ parang gusto ko sila na ang magkatuluyan, it’s normal naman po. Thank you po kasi they still support us naman po.
“Saka, me and James, we’re a team, parang we’re partners in crime, so kahit in real life gusto nila kaming magkatuluyan, okay lang kasi sumusuporta pa rin naman po sila sa amin,” she said.
At ang nakakatuwa, maging ang sarili nilang pamilya ay kinikilig sa loveteam nila at pinapanood ang OTWOL.
“’Yung mom ko po, OTWOLISTA rin po siya, kinikilig din po siya,” sabi ni Nadine. “’Yung dad ko naman po, super-proud po siya, tapos nanonood po siya every night, tapos po, pag nagsu-shoot po, usually nasa trabaho po or nasa taping, tine-text niya po ako, ‘galing mo na ‘nak um-acting, ah, mana ka talaga sa akin,’ gumaganu’n po siya, nagdyo-joke lang.”
Ayon naman kay James, never daw na naka-miss ng episode ang dad niya.
“He’s very proud of me, actually, siya ang dahilan kung bakit (ko ginagawa ito), actually, ginagawa ko ito para sa pamilya ko, so that’s all I really need, you know, (that) he’s proud of me, I mean, I appreciate all the love from the fans, but he’s the only one I really needed,” seryosong sabi ni James.
Actually, close to Clark ang karakter ni James in real life. May dalawa siyang kapatid din at siya rin ang breadwinner. Ang hindi lang pareho ay ’yung part na hindi accepted si Clark ng kanyang ama dahil in real life ay mahal na mahal siya ng kanyang dad.