Kuya Germs’ month-long celebration starts

    311
    0
    SHARE
    MASAYANG-masaya ang veteran star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa unang gabi ng kanyang month-long birthday celebration sa kanyang long-running late night show na “Walang Tulugan with the Master Showman” on GMA na kanyang sinimulan last Saturday, October 3.

    Sa sobrang saya, hindi napigilan ni Kuya Germs ang maluha (sa saya) nang dumating sa studio para bumati sa kanya ang superstar na si Nora Aunor at ang kanyang longtime friend at dating kasamahan sa Sampaguita Pictures, ang kumare niyang si Gloria Romero. Hindi rin nakalimot sa kanya ang pop diva na si Kuh Ledesma, ang concert king na si Martin Nievera at kapwa niya mga Kapamilya stars na sina Vina Morales at Iza Calzado, ang music icon na si Dulce, ang Asia’s Got Talent runner-up na si Gerphil Flores at marami pang iba.

    Hindi rin nakalimot ang dalawang mainstay ng “Walang Tulugan with the Master Showman” ang dalawang anak-anakan ni Kuya Germs na sina Michael Pangilinan (kahit nasa “Your Face Sounds Familiar” siya) at ang “Destiny Rose” star na si Ken Chan.

    Since birthday celebration `yon ni Kuya Germs, inaasahan namin ang pagdating sa studio ng iba pa niyang mga anak-anakan at natulungan sa industriya pero mabibilang lamang sa mga daliri ang dumating.

    Pero hindi sa studio ng “Walang Tulugan with the Master Showman” nagtapos ang birthday celebration ni Kuya Germs dahil binigyan din siya ng surprise birthday ng Vera-Perez sisters sa pangunguna ni Manay Ichu Maceda sa pakikipagtulungan ng kaisa-isang anak ni Kuya Germs na si Federico sa Sampaguida Gardens noong Sunday night na dinaluhan ng mga personalidad na close at associated kay Kuya Germs laluna ng mga dati niyang kasamahan sa Sampaguita Pictures.

    Magbibigay rin ng birthday dinner kay Kuya Germs ang dating chairman ng GMA na si G. Menardo Jimenez sa bahay nito sa isang exclusive subdivision in Makati City.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here