Sabi ni Jennylyn, magkaibigan at professional sina Dennis at Mikael at parte lang ng trabaho ang nangyari.
Ayon naman kay Dennis, “Aksidente lang ’yun, hindi sinasadya. Bugso lang ng damdamin dahil sa matinding eksena. Hindi kami nagkapikunan, nag-sorry agad ako kay Mikael. Hindi dapat nangyari ’yun, pero naayos agad ang lahat,” wika ni Dennis.
Anyway, kinakabahan man, excited pa rin si Dennis sa reaction ng tao sa premiere night (October 4) at regular showing ng Felix Manalo (Oct.7). Malaking pelikula at malaking role ang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films at ni Direk Joel Lamangan, kaya nenenerbyos siya sa magiging pagtanggap ng tao.