A song for Mar

    344
    0
    SHARE
    Sina Jay-R, Kris Lawrence at Billy Crawford pala ang sumulat at kumanta ng Fast Forward, isang feel-good, upbeat R&B single na naririnig ngayon sa mga radio station.

    Mula sa Ingles, ito ay sinulat naman sa Tagalog sa tulong ng premyado ring si Vehnee Saturno at inareglo ni Marcus Davis Jr.

    Aminado ang tatlong magagaling na singer na ginawa talaga nila ito para kay DILG Secretary Mar Roxas na alam naman nating lahat na isa sa presidentiables sa 2016 elections.

    Isang inspirational na kanta ang Fast Forward at ipinagdiriwang nito ang kapangyarihan ng bawat Pilipino para sa ikauunlad ng bansa.

    Kwento ni Kris, sobrang na-inspire sila na gawin ang kanta kaya naman 30 minutes lang, tapos nang sulatin.

    “Suwerte rin kami dahil sinuportahan kami ni Tito Vehnee. He helped us translate the original English lyrics to a more moving Tagalog song,” say ni Kris.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here