Heart at Chiz maghihiwalay

    495
    0
    SHARE
    Sakaling matuloy sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon si Sen. Chiz Escudero sa halalan sa 2016, hindi sila magsasabay mangampanya ng kaniyang butihing maybahay na si Heart Evangelista.

    Kwento ng senador, mahirap pagtagpuin ang kanilang schedule ng kaniyang misis na sobrang busy rin sa kaniyang showbiz career.

    “Sabi ko sa kanya (Heart) tumuloy man ako sa pagtakbo, tulad ng ginawa ko noong 2013, mangangampanya na lang ako ng hiwalay, hindi na kami magsasabay,” sabi ng senador sa isang panayam.

    Ayon kay Chiz, gusto man niyang makasabay sa pangangampanya kung sakali ang kaniyang misis, mukhang bibihira itong mangyari dahil na rin sa mga commitments ni Heart sa showbiz at sa kaniyang modeling career.

    Pagbabahagi ng senador, kung hindi inuumaga sa taping ng kaniyang teleserye, na “Beautiful Strangers,” busy naman si Heart sa shooting ng pelikula o product endorsement o di kaya sa kaniyang weekly showbiz talk show na Startalk.

    Bukod pa rito ang kinahihiligang pagpipinta ni Heart, ani Chiz.

    Ganun pa man, sinisiguro ni Chiz at Heart na may oras pa rin sila kapag weekend para makipagbonding sa kambal na anak ng senador.

    “Pero napapagtama-tama naman namin ang aming mga schedule; pag- dating ng weekends parating nandoon siya para sa amin,” sabi ni Chiz.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here