Alden, nasa tamang panahon

    343
    0
    SHARE
    Hindi man nakapasok noon sa Top 14 ng reality show ng GMA na “Starstruck V” si Richard Faulkerson, Jr. na mas kilala bilang si Alden Richards, mas sikat naman siya ’di hamak ngayon sa lahat ng mga nanalo sa nasabing reality show. Mabuti naman at kinontrata pa rin siya ng GMA sa kabila na hindi ito (Alden) pinaboran ng mga hurado at mga manonood.

    Si Alden ang pinakamainit ngayon among all the Kapuso stars na maging ang singer-actor ay hindi makapaniwala sa instant success na kanyang tinatamasa ngayon. Thanks to Eat Bulaga’s Kalyeserye and his split screen loveteam Maine Mendoza na mas kilala bilang si Yaya Dub.

    Kung hindi pa siguro nasali si Alden sa “Eat Bulaga” ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng `himala’ sa kanyang budding career.

    Sabi nga ni Lola Nidora (Wally Bayola), ang lahat ay mangyayari sa tamang panahon’ na siyang nangyayari ngayon sa career ni Alden at maging ni Maine Mendoza na hindi rin inakala na magbabago ang takbo ng buhay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here