Dennis Trillo, Jennylyn Mercado tuluyan nang nagkabalikan?

    646
    0
    SHARE
    Hindi man tahasang aminin nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na sila’y nagkabalikan, halata ito sa kanilang mga ikinikilos laluna ngayong muli silang magkasama sa bagong TV drama series ng GMA, ang “My Faithful Husband”.

    Isang bagong patunay kung gaano ka-espesyal ang pagtitinginan ng dating magkasintahan nang dumalo si Dennis, ang kanyang amang si Abelardo Ho at anak niya (kay Carlene Aguilar) na si Calix sa 7th birthday celebration ng anak ni Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia na si Alex Jazz at kung saan ding nakitang dumalo ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Patrick at misis nitong si Nikka Martinez at anak nilang si Chelsea na half-sister ni Alex Jazz. Close si Jennylyn sa ama ni Dennis na si G. Abelardo Ho.

    Napakagandang pagmasdan na magkasama sa isang okasyon ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Patrick kasama ang misis at anak nito at ang nakabalikang nobyo na si Dennis na kasama ang ama at anak sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar. Noon ay tila imposible itong mangyari dahil bukod sa hindi in good terms si Jennylyn kay Patrick hiwalay na rin dati ang singer-actress kay Dennis.

    Parehong single parents sina Jennylyn at Dennis sa kanilang respective sons na sina Alex Jazz at Calix na kung saka-sakaling silang dalawa ang magkakatuluyan ay hindi na mahihirapan pang magadjust ang dalawang bata dahil magkaibigan na sila ngayon pa lamang.

    Dahil sa pagkakabalikan nina Jennylyn at Dennis, mukhang kinain ng singer-actor ang dati niyang sinabi na wala siyang binabalikang naging kasintahan in the past dahil si Jennylyn ay dati niyang nakarelasyon.

    Samantala, parehong abala sa kanilang respective careers sina Jennylyn at Dennis. Bukod sa kanilang pinagkakaabalahang teleserye, ang “My Faithful Husband” sa bakuran ng GMA, pareho rin silang busy sa paggawa ng pelikula. Si Dennis sa big-budget epic movie na “Felix Manalo” na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan habang si Jennylyn naman ay may dalawang pelikulang tinatapos – ang “PreNup” na unang tambalan ng Kapamilya actor na si Sam Milby na dinirek ni Jun Lana for Regal Films at ang unang tambalan nila JM de Guzman na kalahok sa darating na 2015 Metro Manila Film Festival.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here