Marian Rivera seksing buntis

    282
    0
    SHARE
    Gaya ng napabalita, sa Pamalican Island, Amanpulo, Palawan, dinala ni Dingdong Dantes si Marian Rivera para i-celebrate ang birthday ng misis noong August 12. Ilang araw lang sila roon at para lang mag-relax dahil naging busy sila pareho.

    Sabi ni Marian, may usapan sila ni Dingdong na hindi na magbibigayan ng birthday gift bilang paghahanda sa kanyang panganganak sa November. Kaso, hindi pa rin napigilan ni Dingdong na regaluhan ang asawa ng pearl necklace at bouquet of roses.

    Sayang at hindi lumabas ang buong message sa card at “My dear Baby” lang ang aming nabasa.

    Kahapon naman, nag-post ito ng picture nila ni Dingdong kung saan naka-two-piece siya at kitang-kita ang laki ng tiyan.

    Ganunpaman, comment ng kanyang IG followers, si Marian na ang pinakamaganda at pinakaseksing buntis na kanilang nakita.

    ’Katuwa ang kuwento ni Marian na hindi niya mapigilang mamili ng gamit ng bata at may nabili siyang baby bag na puwedeng gamitin ni Baby Maria ’pag two months old na ito.

    Nang tanungin kung Hermes ang brand ng bag, hindi na sumagot si Marian at ang sabi lang, “Cute kasi ang bag.”

    Hindi lang ang DongYan fans ang naghihintay sa magiging pangalan ng baby nina Dingdong at Marian, pero si Dingdong ang mag-aannounce, kaya maghintay na lang tayo sa tamang panahon, sabi nga ni Lola Nidora.

    Dagdag na saya pala kay Marian ang magandang ratings ng Sunday PinaSaya at abangan daw sa Sunday dahil panibagong saya ang handog nila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here