Allen Dizon ‘winningest’ local actor

    4144
    0
    SHARE
    Hanggang ngayon ay humahakot pa rin ng mga parangal ang pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) na pinagbibidahan ni Allen Dizon sa direksyon ni Paul Jason Laxamana.

    Nakailang best actor trophy na si Allen para sa naturang pelikula. At dahil dito, siya na ang itinuturing na most-awarded indie actor ng showbiz. Kung hindi kami nagkakamali, 8 best actor trophies na ang nakolekta ni Allen mula sa Magkakabaung. Wala pa rito ang mga special recognition.

    Just recently, muli na namang nanalo ng best actor si Allen para sa Magkakabaung sa 3rd Silk Road Film Festival na ginanap sa Dublin, Ireland. Kapapanalo rin lang ni Allen ng best actor sa kauna-unahang Sinag Maynila Film Festival para sa pelikulang Imbisibol.

    Sa post ng manager niyang si Dennis Evangelista, masaya itong ibinalita ang nangyari.

    “The winning streak of Allen Dizon is unstoppable. After winning best actor unexpectedly at 1st Sinag Maynila Film Festival for his performance in Lawrence Fajardo’s Imbisibol, I got this great news that Allen Dizon won best actor and our film Magkakabaung (The Coffin Maker) directed by Jason Paul Laxamana bagged the best film at the recently concluded 3rd Silk Road Film Festival held in Dublin, Ireland. Proud Filipino!!!”

    Bago tumulak si Allen papuntang Ireland ay nainterbyu pa namin siya sa launching ng Sinag Maynila. Ayon sa aktor, hindi niya ini-expect ang magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career. Pero aminado siya na pinagtrabahuhan din niya ang lahat ng mga recognition na natatanggap niya ngayon.

    “Wala namang tinatawag na overnight success. Lahat ito, pinaghirapan ko rin. At natutuwa ako na nagbunga din lahat ng mga pagsisikap ko,” sey pa niya.

    Congratulations, Allen!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here