Melissa Mendez kinakampihan

    375
    0
    SHARE
    NAGSANGA-SANGA na ang insidente ng offloading ni Melissa Mendez sa isang fllight ng Cebu Pacific na kinasangkutan ng isang Rey Pamaran, na kasama diumano ng actor-athlete na si Andrew Wolff.

    Pinutakte sa social media si Melissa, pero nang umatake ang mga mas nakakakilala sa actor-athlete at kasama nito, tila nabaligtad ang karamihan sa mga netizen. Lalo na nang bitawan ng actor ang salitang “kahit pa ina o matanda na,” ay walang karapatang patawarin sa inasal nito.

    Marami ang nagsabi na baka nga naman nangyari ito upang “lumabas pa ang iba pang katotohanan” na mas dapat pagtuunan ng pansin.

    Ayon sa post ng anak ni Melissa na si Denise Oca, kilala niya si Andrew kaya imposibleng hindi kilala ang kanyang ina.

    May nagbalik pa ng nakaraan tungkol sa isang lumang kaso ng aktor na kinasuhan ng robbery sa Boracay noong 2009 dahil sa diumano’y pangaagaw ng baril sa isang security guard at pakikipag-away sa isang babae.

    Sa ngayon, naka-private na ang Instagram account ng aktor, na nagsabing “we don’t need followers.” Nangyari ito matapos mas dumami ang nakikisimpatiya kay Melissa na ang tanging kasalanan ay gustong magselfie kasama ang ulap.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here