Inaayos na rin niya ang blessing ng bagong bahay na nabili at waiting sa gagawin na movie kasama ang isang hindi Kapuso actress.
Pero kung sakaling si Louise de los Reyes ang makakapareha niya, eh, wala namang issue sa kanya ang dating ka-loveteam.
Eh, si Empress Shuck na ang sabi gusto siyang makasama, carry din ba niya?
“Bakit hindi? Cool lang naman ’yon dahil hindi pa naman kami nagkakasama,” sambit ni Alden nang sandali naming makachikahan sa GMA.
Kumusta naman si Aljur (Abrenica) na nasa SAS na rin ngayon?
“Okey lang naman. Walang problema,” tugon agad ni Alden.
Pero pagdating sa girlfriend, bokya pa rin si Alden. Lagi na lang ba siyang self-service? Ibubuhos ba niya ang pagiging tigang niya sa Canada?
“Tito naman! Hahaha! Meron naman. Nakakasingit naman paminsan-minsan, hahaha!” sagot naman sa amin ng actor.