Daniel-Kathryn baliw sa kanilang young love affair

    319
    0
    SHARE
    Sobrang cute nina Daniel Padilla at Kahtryn Bernardo ksa presscon ng movie nilang Crazy Beautiful You under Star Cinema. Ang kulit nila pareho kaya pati ang senior stars na kasama nila, sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino, maging ang director na si Mae Cruz-Alviar, natatawa sa kanila.

    Say nga ni Gabby, napagdaanan na niya ang ganyan noong kapanahunan ng loveteam nila ni Sharon Cuneta.

    Puring-puri ni Gabo ang magka-loveteam dahil napaka-natural daw. What you see is what you get.

    “Ituloy lang nila ’yung natural. Sabagay, lumalabas naman ’yan on screen, kung ano ’yung nangyayari sa kanila, nakikita ko naman. Maski ako, kinikilig ako, eh. Fan nila ako,” sabi ni Gabo.

    Natanong si Daniel kung gaano siya ka-crazy kay Kathryn at nakakatuwa dahil hindi niya masagut-sagot ang tanong dahil nahihiya raw siya.

    “Nakakahiyang sumagot, maraming tao. Nahihiya rin naman ako,” sabi ni Daniel. Nahihiya pa rin ba siya kay Kath after how many years of being together?

    “Oo naman, hindi naman nawawala ’yun. At saka, talagang mahiyain ako,” sambit na naman ni DJ.

    Pero nababaliw ba siya kay Kath?

    Natawa si Daniel dahil tinagalog lang daw ang tanong. Pero bandang huli, say niya, “Oo na, sige na, opo!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here