Talo ni Nate ang amang si Ogie Alcasid dahil hindi mapapanood ang Ultimate concert kung saan kasama si Regine Velasquez dahil wala nang tiket sa February 13. Sa Feb. 14, guest naman si Ogie sa Beginnings concert ni Zsa Zsa Padilla sa Music Museum.
Eh, si Nate, may sariling upuan sa MOA Arena. Dahil parehong busy, hindi makakapag-celebrate ng Valentine’s Day sina Ogie at Regine, kaya nauna nangibinigay ni Ogie sa Songbird ang Valentine’s Day gift niyang Infinity bracelet na ang biro’y P10M ang worth.
After Feb. 14, ang MuSIKATin OPM concert ang focus ni Ogie. Two hours of pure Filipino music ang magaganap sa Philippine Arena sa Feb. 20. Sa presscon, present ang director ng concert na si Paolo Valenciano, musical director na si Ryan Cayabyab at tatlo sa performers — sina Lovi Poe, Solenn Heussaff at Verni Varga.
Pumunta na si Ogie sa Philippine Arena para tingnan ang venue at kahit siya, nalula sa laki at ganda nito. Hindi lang daw ang concert ang ipagmamalaki ng mga Pinoy, pati ang venue na may 55,000 capacity. Isa lang ang MuSIKATin sa magpapa-busy kay Ogie this year dahil sa March 14, matutuloy na ang 12-hour concert featuring OPM artists.
Sa mid-June, magaganap ang Lakas OPM, isa pang concert, at sa last week ng July, isi-celebrate ang Linggo ng Musikang Pilipino. Masaya si Ogie dahil for one week, Pinoy music ang maririnig sa radio at mga establishment. Dala ito ng pagpirma ni President Noynoy Aquino sa Proclamation No. 933.
Isinusulong din ng OPM ang OMP Bill at kailangan nila ang tulong ng media rito. “Inaayos na rin namin, we’re in consultation and we’re in the lines of creating our own Grammy Awards and we’re planning to do that if not this year, next year.
Tatawagin naming Filipino Music Award o OPM Music Award,” sabi niOgie. Kabilang pala si Ogie sa mga may gusto na tumakbong president o vice president ng bansa sa 2016 si Sen. Grace Poe. “Kahit anong posisyon basta tumakbo lang siya.
I know she’s young at bago lang siya at sasabihing housewife. Pero advantage niya angpagiging bata at nakikita natin ang maganda niyang trabaho sa Senado,” pahayag ni Ogie.