MASAYA ngayon ang singer-comedienne na si Pokwang dahil finally ay nakatagpo na siya ng bagong mamahalin sa katauhan ng American actor na si Lee O’Brien na kasama niya sa TFC movie na “EDSA Woolworth” na ginawa sa Amerika at kamakailan lamang ipinalabas sa Pilipinas.
Dumating sa bansa ang cast ng naturang pelikula para mag-promote at dito naging malinaw ang intention ni Lee kay Pokwang na sa simula pa lamang ng kanilang shooting ay attracted na pala sa kanya. Hindi naman magiging sagabal sa pagmamahalan nina Pokwang at Lee ang kaisa-isang anak ng komedyana dahil masaya ito para sa kanyang ina.
Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Lee in April for a two-week vacation at makilala pa nang husto siPokwang at anak nito na si Mae. Kung saka-sakali man daw na dumating sa punto na yakagin siya ni Lee na manirahan sa Amerika ay iku-consider niya ito dahil gusto rin naman ng kanyang anak na magtrabaho sa Amerika pagkatapos ng pag-aaral nito.